15/05/2020
Dahil MECQ po tayo. Basahin ang guidelines ng DOTr:
TINGNAN: Para sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), hindi pinapayagan ang publikong transportasyon, at mananatiling limitado ang ilang serbisyong pantransportasyon.
Kung ang lugar na tinitirhan ay nasa ilalim ng MECQ, narito ang mga transportasyong publiko at pribado na PINAPAYAGAN at HINDI PINAPAYAGAN.
Para sa publikong transportasyon, papayagan ang mga public shuttle para sa mga frontline worker o mga uuwi mula sa trabaho sa mga pinahintulutang industriyang nasa ilalim ng MECQ, samantalang ang bus, dyipni, taksi, TNVS ay hindi pinapayagan. Hindi rin pinapayagan ang mga traysikel, ngunit may mga eksensiyon, alinsunod sa mga panuntunang itinakda ng DILG at kani-kaniyang LGUs.
Para sa rail sector, ang mga operasyon ng PNR, LRT-1, LRT-2, at MRT-3 ay mananatiling suspendido.
Para sa pribadong transportasyon, pinapayagan ang operasyon ng company shuttle na may passenger capacity na 50% at espesyal na permiso mula sa LTFRB para sa mga inuupahang shuttle.
Pinapayagan din ang mga personal na sasakyang pag-aari ng mga tao/empleado sa mga pinahintulutang sektor, na may dalawang (2) tao bawat hilera.
Dagdag pa rito, pinapayagan ang paggamit ng bisikleta, motorsiklo, o e-scooter, na may maximum na passenger capacity na isa (1). Bukod dito, pinapayagan ang e-scooter, alinsunod sa umiiral na mga regulasyon sa trapiko.
Dagdag sa mga protokol sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ, hindi magkakaroon ng mga domestic flight maliban sa mga international flight. Ang pagbibiyaheng inbound ay kokontrolin. Tanging mga Filipinong nasa ibayong dagat at papauwing Filipino ang papayagan. Hinihikayat ang pagbibisikleta at non-motorized na transportasyon, at hindi pa rin magkakaroon ng inter-island na pagbibiyahe.
🇵🇭
***Salin sa Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
Source: https://www.facebook.com/DOTrPH/