![](https://img4.evepla.com/414/066/747756114140661.jpg)
07/05/2024
PANALANGIN KAY SAN NICOLAS DE TOLENTINO PARA SA MGA MAY SAKIT
San Nicolas, lubhang maawaing Patron ng mga may sakit, lingapin mo po kaming lumalapit sa iyo at napaaampon sa iyong pagkalinga. Noong nabubuhay ka'y gumawa ka ng maraming himala at nagpagaling sa mga may karamdaman sa katawan, ngayong ika'y kapiling na ng Dios sa langit, patuloy mo sana kaming ambunan ng mga biyayang kailangan namin upang matiis at kayanin ang sakit na iniinda. Sa pamamagitan ng iyong mga panalangin sa makapangyarihang Dios na may likha sa atin, makamit nawa namin ang kagalingan sa lahat ng aming mga sakit sa katawan at sa kaluluwa
(dito'y banggitin ang bahagi ng katawan na may sakit).
Sa Ngalan ng ating Panginoong Hesus at nang Mahal na Virgen de la Consolacion, kamtin nawa namin ang kagalingang isinasamo namin. Siya nawa.
SAN NICOLAS DE TOLENTINO
Patron ng mga may Sakit
Ipanalangin mo kami