04/05/2024
Recently a curious customer asked us kung bakit ang mura ng rates namin. Akala siguro scam kami. Haha!
Honestly, gusto ko na din magtaas ng price kasi pre-pandemic pa po yung rates namin.
Before P500 lang ang rate namin for layout only, unli revision hanggang bago ang kasal mo kung may ipapabago ka pa.
Until dumating yung time na may naghahanap na ng printing, kaya naisipan na namin na magprint na din at gumawa ng envelopes. But we make sure reasonable pa din ang rates and high quality yung output.
Baka kasi may bride na katulad ko noon na if may matitipid sa invitation and souvenir, idadagdag sa incidental fund para if ever may sobra na guest, may idadagdag sa catering or ano pa na kailangan.
Yung invites ko noon, ako na gumawa. Nilay-out ko, bumili lang ako ng papers sa national, and I printed it sa computer shop ni mama. Nanuod sa youtube pano mag foiling, ayun, wala pang 1k ang gastos ko, pero NOON yun. Wala pang inflation.
Katulad ng sabi ko kay client, we can raise our prices, but chose not to. As long as babalik yung pang materials at meron kaming konting kita, oks na.
Saka na kami magtataas pag bente pesos na ang kilo ng bigas ๐คฃ๐