30/08/2023
TRICYCLE DRIVER
Habang naka sakay ako sa tricycle ay biglang nag tanong ang driver.
Driver: college ka na neng?
Tanong ng driver sakin. Nginitian ko ito sabay sumagot.
Ako: opo.
Driver: anong year ka na neng?
Ako: 4th year na po graduating na po.
Nakita kong ngumiti si manong pero hindi umabot sa kanyang mga mata. May bahid ng lungkot.
Driver: pag naka graduate ka na at nag karoon ng maayos na trabaho. Wag mong kalimutan lumingon sa mga magulang mong ginawa ang lahat para sa iyo. Para maging maganda ang buhay mo.
Nalungkot ako sa sinabi nya.
Ako: bakit po manong? Kayo po asaan ang mga anak nyo?
May katandaan na si manong bakas na ang pagod sa kanyang muka.
Driver: mga anak ko lahat tapos ng pag aaral. Isang engineer at isang doctor.
Nagulat ako kay manong. Lahat ng anak ay successful pero bakit namamasada pa.
Ako: e bakit ayaw nyo pa pong huminto sa pamamasada e successful naman po mga anak nyo.
Ngumiti ulit si manong ng may lungkot.
Driver: lahat sila ay nasa ibang bansa na. Kailangan ko mamasada para may maipang buhay ako sa misis ko at sakin. Kailangan namin kumayod para mabuhay kaming mag asawa. Nagagalit kasi mga anak namin sa tuwing tatangkain kong manghingi sa kanila. Kaya eto tuloy ang pasada. Masaya na ako kung maalala nila kaming abutan ng bukal sa loob Nila. Ang sabi nila hindi nila kami obligasyon ng nanay nila. Binuhay namin sila sa mundong ito hindi para hingan ng pera.
Napatulala ako sa sinabi ni manong. Nakita kong bahagyang namula ang mata ni manong at hindi na muling nagsalita. Nakadama ako ng lungkot para sa kanilang mag asawa. 😭
ctto