10/10/2022
Architecture Student
"Archi? Diba drawing drawing lang kayo?”
"Madali lang yan, kaya ko nga gawin yan"
"Madali lang naman magperspective, madali lang mag rendering"
"Architecture? Diba pang mayaman lang yan?"
Karaniwang naririnig ng isang archi student. Kesyo madali, keme keme, design design lang daw, pero hindi nila alam yung pressure and struggles. Wala namang madaling course, lahat naman ay pinaghihirapan.
Bilang isang archi student, hindi na namin naisip kung maayos pa ba kami, hindi na namin naisip kung tama pa ba yung kalalabasan ng grades namin. Sleepless nights. Papasok ng puyat at gutom. Magrurush ng plate kasi may another deadline. Akala nila gagawa lang kami ng bahay. Design concept palang hindi namin alam kung saan pupunta utak namin. Minsan nakakadisappoint pa na sa loob ng isang oras title block palang nagagawa namin.
Ang role namin ay bigyan ng reality ang isang tao na merong expectations or dream. Hindi naman kami magdra-drawing lang kasi trip lang ni client ng one storey bungalow house. "Architorture pa" hindi naman namin pinili magpaka-torture, mas pinili namin yung bagay na gusto namin makamit balang araw. Hindi naman lahat mag ba-base sa sabi sabi ng ibang tao na “dito kana sa course nato kasi walang math”. Hindi kami takot sa math. Takot kaming hindi matupad ang pangarap namin. Architecture ang gusto namin hindi architecture na drawing drawing lang.
📍 PSU, Urdaneta City Campus