11/03/2023
BAKIT NAKAKASTRESS ANG "GUEST LIST"? 🤔
Ang Guest list ay ang listahan ng mga taong invited sa kasal ng couple.
Ito yung binibilang ng couple tapos ipapasa ang total nyan sa caterer...
Kasi kay caterer, kailangan nila malaman ito in advance para makapaghanda sila ng food na sapat para sa lahat ng guests.
At ang binabayaran ng couple kay catering ay per guest (ito yung tinatawag na pax).
Halimbawa ang total ng guestlist ay 200 pax, at ang bayad kay caterer ay ₱500 per pax, it means ₱100k ang babayaran ng couple sa catering.
Now, bakit nakakastress yan?
Kasi ang hirap makuha ng TOTAL GUEST LIST.
👉 May mga invited guest na seenzone ka lang, ayaw magconfirm kung makakapunta o hindi
👉 May last minute cancelations, yung bukas na or mismong wedding day nagcacancel pa
👉 Yung iba depende na lang daw sa mood sa araw na yun kung makakapunta
👉 Meron naman iba nagsasama ng kung sino-sino kahit hindi invited sa event, minsan isang jeep, isang pamilya, or worst isang barangay
👉 Meron pang blackmail minsan na sasabihin "Kung hindi kasama si ganito, hindi na lang ako pupunta."
👉 Marami pa rin ang ayaw umintindi at nao-offend sa "Adult Only" weddings
👉 At may mga tao pa ring naniniwala na "Alangan naman papaalisin nila tayo sa kasal nila, andun na tayo", kaya basta lang pupunta kahit di invited
Kaya ang guest list ang hirap hirap gawin.
Kindly message us in advance..