Bethyboo's Collection

Bethyboo's Collection Making your dreams special at a very affordable price!

Message directly to team Zharie’s Fashion Boutique  nasa 28,000 pesos po ito sa kanila ngayon.
11/12/2024

Message directly to team Zharie’s Fashion Boutique nasa 28,000 pesos po ito sa kanila ngayon.

Hello, Admin here. Ito po ang update ni ma'am Bethyboo Maluya Sure Na sa status ng negosyo mg Bethyboo's collection. You...
10/11/2024

Hello, Admin here.

Ito po ang update ni ma'am Bethyboo Maluya Sure Na sa status ng negosyo mg Bethyboo's collection. You can directly message sa account niya for more concerns.

"NASAAN NA ANG BETHYBOO’S COLLECTIONS NI MA'AM BETH?"

Magandang araw sa lahat. Ako po si Bebeth Pepito Maluya, may-ari ng Bethyboo's Collections. Nais ko pong idulog sa inyo ang aking sitwasyon. Sa araw na ito ay nais kong humarap sa inyo para ipaalam na ang aking mga negosyo ay nagsara. Hindi ito madali para sa akin dahil malaking bahagi ng aking buhay ang ginugol ko para sa mga ito sa mula September 2020. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsusumikap at pagtitiyaga, hindi maiwasang humarap sa realidad na ang aking mga negosyo ay nabangkarote. Nakakalungkot isipin na hindi ito nakatagal ng husto sa aking pagnenegosyo at may mga taong nadamay sa aking pagkakamali at pagkabigo.

Una, nais kong humingi ng tawad sa mga taong nadamay at naperwisyo sa aking pagkakamali at pagkabigo sa aking mga negosyo. Hindi biro ang aking pinagdaanan at naiintindihan ko po na nasaktan kayo sa mga nangyari. Pinapangako ko na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang mapatawad ninyo ako at mabalik ko sa inyo ang kailangan kong maibalik. Sa pamamagitan ng aking pagharap sa inyo ngayon, hindi po ito para ipagtanggol ang sarili ko, ngunit upang maihayag ang tunay na nangyari sa aking negosyo. Nag-iwan man ng sakit sa aking puso ang mga paratang na ako ay isang scammer, tanggap ko po kasi nakaagrabyado ako sa end at mga pangarap o plano niyo. Ngayon, kailangan kong magpakatotoo sa lahat at ihayag ang tunay na dahilan kung bakit ako nagkaroon ng ganitong sitwasyon. Maaring di na kasali ang iba kong followers para lang ma inform sa personal kung pinagdaanan, gayong kahit papano nakadirect message na rin ako sa mga apektado sa pagkalugi ng negosyo ko, nakapagbigay ako ng videos o picture sa iba sa nangyari sa negosyo subalit di ko na po kaya mag message isa-isa, at e update palagi sa progress ng end ko lalo pa may mga hinahabol ako na dapat matapos nang makapagfocus sa pagbangon. Aminado ako na nahirapan din ako mag update time to time lalo na may mga taong nakakaintindi, nangbabanta, at naghahangad na ako raw ay makarma. Lahat ng iyon ay valid na pakiramdam mula sa aking mga nasaktan na mga kasosyo; na naghihintay ng shares at ang iba kahit kapital na lang raw ang masauli at mga clients sa kasal na naghihintay ng refund sa security deposit, subalit di ko po talaga sinasadya ang lahat ng ito kaso di ko na po makontrol ang sitwasyon kaya kahit anong pilit kong bumangon, ako po ay tuluyang bumagsak. Nais ko rin pong linawin na hindi ako isang scammer, malinaw po sa akin na nakaagrabyado ako sa end at plano niyo.

Ngayon, nais kong klaruhin sa inyo na ang aking mga shops ay pansamantalang sarado. Kahit na nakikita ninyo na ito ay aktibo pa rin sa social media hindi na ito tutuloy sa kadahilanang wala na po akong magagandang stocks na naiwan. Humihingi ako ng tawad sa inyo kung inabala ko kayo sa inyong mga order o bookings sa kabila ng mga pangyayari. Ngunit higit sa lahat, nais kong magbahagi sa inyo ng aking totoong version ng mga pangyayari. Hindi ako isang scammer tulad ng mga narinig ninyo. Ang totoo ay nahirapan ako sa pagpapatakbo ng negosyo dahil may mga di makontrol na sitwasyon ang mas naging balakid para ako ay mas makagalaw pa. Sa kabila ng lahat ng aking pagsusumikap, hindi sapat ang kinita ng mga negosyo upang maipagpatuloy ito. Hindi ito isang pagdepensa, kundi pagbibigay-daan sa mga totoong pangyayari. Sana ay maunawaan ninyo kung sa tingin ninyo ay nasaktan kayo o nadisappoint sa aking mga produkto at serbisyo.

Sa lahat ng nagging clients ko sa kasal maraming salamat po sa inyong pagtitiwala sa aking negosyo sa nakaraang mga taon. Alam kong di ako perpekto bilang isang wedding supplier, pero buong pagkatao ko ang sinugal ko rito masubukan lang magampanan ang aking obligasyon subalit ako pa rin ay pumalpak, muli patawad sa lahat ng naagrabyado.

Sa mga kasosyo ko na need makuha ang capital at mga clients na natapos ang kasal na need mabalik ang security deposit at ang ibang ikakasal pa, at alam kong nasa 5-10 pa kayong ikakasal, subalit di na po kaya ng stocks ko, kaya ang naipangako na libre na pangkasal, mga napanalunan sa palaro at naka avail sa 5k wedding package at iba pa, kayo po ay masali ko sa listahan ng for refund ko sa mga natapos ng kasal. Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumuporta sa akin mula noon hanggang ngayon, at sa mga nawalan ng tiwala dahil sa mga nangyari naiintindihan ko po kayo. Sana ay inyong naiintindihan na ito ay isa sa mga pinakamahihirap na pasanin na ibinabahagi ko sa inyo. Sa lahat ng nakakabasa nito, ito ay hindi lamang isang pagkakamali, ngunit ito ay isang matinding aral sa akin. Sa simpleng salita, ang pagkakalugi ng aking negosyo ay nagbigay sa akin ng mga bagong perspektiba at nagturo sa akin ng mga bagong aral sa buhay na mahalaga para sa aking pagtitiwala sa mga tao at pagpupursige sa tagumpay. Humihingi lang ako ng pasensya gayong umabot pa ng ilang buwan hanggang taon di ko pa rin maayos-ayos pero alam ko pa rin po ang aking obligasyon at haharapin ko po itong lahat, sana sa huling pagkakataon, mabigyan pa ako ng huling chance na mas makahanap ng paraan para maiayos ang lahat, di po ako manhid na tao, kita ko po ng buo kung paano ko kayo nasaktan dahil sa pagkalugi sa negosyo ko na inyo ring inasahan, pero nangyari na ang lahat, gusto ko po manghingi ng paumanhin salahat. Maaring di ko na maibalik pa ang inyong mga tiwala pero sana, kung saan man ako dalhin sa pagkalugi kong ito, sana wag niyo akong alisan ng pagkakataon para makabangon, handa ako sa anumang panghuhusga, gusto ko lang pong akuin ang nangyari sa negosyo ko, labas po ang pamilya ko rito gayong never po sila nakisali sa transaction sa pagpapatakbo sa negosyo ko, kung meron man yun ang pong nagkusa silang mag packing, pag deliver at maglaba at ano pang maiambag nila. Kasalanan ko po ito lahat, pero sana bigyan niyo pa ako ng pinakahuling pagkakataon, maibalik ko lang sa inyo ang dapat kong masauli sa inyong end. Muli pasensya na po talaga., hindi ko man maibalik ang lahat ng nangyari pero naniniwala akong kaya ko pa, naintindihan kong wala na kayong tiwala sa akin, pero ako meron pa akong tiwala sa sarili ko na balang araw maayos ko pa ito at mabalikan ko rin kayo. Alam ng Diyos kung paano ko sinubukang maisalba ang Negosyo matupad ko lang ang pinangako ko sa inyo. Sobrang pasensya na sa kapalpakan ko at nadamay pati pangarap at plano niyo sa buhay.

Higit sa lahat, nais ko pong malaman ninyo na hirap din po akong umusad lalo na sa gitna ng lahat ng mga masasakit na salita, pagbabanta, at paninisi na natatanggap ko ngayon. Sana po'y maintindihan ninyo na nasasaktan din ako, pero gusto ko parin pong puspusang magpatuloy sa aking mga adhikain at maibalik ang inyong tiwala sa akin.

Maraming salamat sa pagkakataon na makapagsalita ng aking mga saloobin. Pakiusap ko po sa inyo, sana'y maintindihan ninyo ang aking sitwasyon at bigyan niyo po ako ng pagkakataon na maibalik sa inyo ang dapat kong maibalik.

Maraming salamat

11/12/2023
♥️♥️♥️♥️
09/12/2023

♥️♥️♥️♥️

3 ball gowns for 7,500 = FREE SHIPPING FEE NATIONWIDE MGA GOOD AS NEW PA TONG MGA TO❤️ Mas mahal kapag isa lang, take al...
05/12/2023

3 ball gowns for 7,500 = FREE SHIPPING FEE NATIONWIDE MGA GOOD AS NEW PA TONG MGA TO❤️ Mas mahal kapag isa lang, take all dapat. Paunahan❤️

From 2020 to 2023 Thank you Clients❤️❤️❤️
04/12/2023

From 2020 to 2023 Thank you Clients❤️❤️❤️

30/08/2023

Sarado po kami mula ngayon, August 30,31 at Sept. 1-3. Resume kami Sept. 04.

Sorry po mali ang sa video. September 5 pa pwede ang walk-in, salamat

22/08/2023

Bakit excited ang beshy ko?😅

22/08/2023

Last April, nong nagdecide ako na mag shop, maliban sa team ko isa sila sa pinapasok ko sa shop kay di daw sila basta-basta nakakapasok sa iba, kaya pinahugas ko na ng paa and all at tumulong na sila sa pag arrange that time tapos bumabalik sila kinabukasan🥰

22/08/2023

Last April, sila nag nagpapangiti sakin🥰 Now, nakauwi na sila sa kanila🤗

Thank you ma'am The Fake Ash we love you♥️
22/08/2023

Thank you ma'am The Fake Ash we love you♥️

Address

Puan
Puan
8000

Telephone

+639982048518

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bethyboo's Collection posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share