22/01/2024
Isa sa mga natutunan ko sa mahigit isang taon na kasal namin ay ang pag balance ng mga gastusin. Dahil pareho kaming coffee lover ni Japh sobra php500 ang nagagastos namin sa 2 lingo sa pagbili lang ng kape. Lumalaki pa ito kapag ikokompyut namin ng taon. Kaya naisip naming bumili ng espresso machine. Sa halagang 4.5k mas nakatipid na kami, nakabili pa kami ng dagdag appliance. Matipid sa kuryente dahil 1-2 times a day lang naman ginagamit. At dahil nagpapasabuy lang kami ng kape from baguio friends (350/kilo compared sa 350/250g sa grocery) mas nkakarami pa kami ng maiinom, kontrolado pa namin ang asukal na mailalagay. Isang taon na halos ang machine at going strong padin ang service nya saamin.
Ang kape ay nakakaboost ng will sa isang tao para masurvive nya ang isang buong araw. Pinapanalangin namin na hopefully sa mga araw na nakakasurvive ka makamit mo ang pinapangarap mo. Enjoy life!
Japhney Maximo Treyes-Jordan