04/03/2021
Fyi mga travellers po!
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS for reference.
Q: Bakit po piso or 80php or 25php fare ang promo, pero 500-1000php pa rin ang tickets?
A: ang 1php or 80php, or 25php ay BASE fare lang po. May mga added charges pa ang airlines, like ADMIN FEE, FUEL SURCHAGES, and TAX at SERVICE Fees. Makikita po lahat ng charges sa receipt na ibibigay sa passenger.
Q: Ano requirements kapag nagtravel?
A: We can give you po requirements na makikita namin sa mga websites ng airlines pero yan po ay hindi real time. The best po talaga is magtanong kayo sa LGU ng pupuntahan niyong lugar. Kasi po nag-bobook lang po kami at hindi po kami IATF.
Q: Need pa ba magpa-swab test?
A: Again, contact you respective LGU of destination.
Q: What if ma-cancel yung flight?
A: Dalawang options ang pwede dyan: REFUND OR REBOOK. Sa refund po aabutin ng 10 months bago makuha based sa experience ko. Sa rebook naman ay walang bayad, magbabayad ka lang sa fare difference.
Q: May entrance fee ba sa airport?
A: Lahat po ay pwede pumunta ng airport. Pero hindi lahat pwede makapasok sa loob. As long na may confirmed ticket at reqs, makakapasok ka.
Q: Hanggang kailan po ang promo?
A: Hindi po namin alam yan. May limited seats kasi ang promo at lalo na ngayong na limited capacity lang ang pwede sumakay. So kapag ang ticket ay bumaba ng 1500, book niyo na.
Q: Pwede ba mag travel ang minor?
A: 12-17 years old above po ay considered adult na, pero need pa rin ang parent consent. below 12 years, need talaga ng presence ng adult. Pero case to case basis yan.
SALAMAT PO AT STILL ONGOING PA RIN ANG MGA PROMO. PM OR COMMENT LANG, ASSIST KITA. AT KUNG MAY IBANG MGA QUESTIONS PA, FEEL FREE TO ASK.