29/10/2024
Do You Want To Become A Or A Person?
May kakilala ba kayo na mga taong bitter?
'Yung mga tipong, galit sa mundo?
Masakit magsalita at walang pakialam sa feelings ng iba?
If I just described someone you know, I call him/her a "Bitter Ocampo".
At kapag bitter ang isang tao, may tendency sila maging vindictive.
Vindictiveness. Ano nga ba ito?
According to the dictionary, it is having or showing a strong or unreasonable desire for revenge.
When people have wronged or hurt you, there is a tendency to seek vengeance.
Kapag ganito ang resolution, I can assure you, my friend, na walang-wala itong magandang maidudulot sa iyo. Bakit?
Here are some reasons:
LALO LANG LUMALAKI ANG BUTAS
Ang maliit lang sana na butas, lumalaki. Hindi nito naaayos ang problema, lalo lang nito pinapalala ang sitwasyon hanggang sa 'di natin namamalayan...we're in a bottomless pit already.
IT STEALS OUR JOY AND PEACE.
Hindi natin makuha maging masaya at mapayapa dahil puro galit ang laman ng puso natin. Hindi tayo mapakali hanaggaโt hindi tayo nakakaganti. It will only make our lives miserable.
IT HURTS THE PEOPLE AROUND US.
Hindi lang ikaw ang apektado, pati rin ang mga taong malapit at nakapaligid sa iyo. Minsan, 'yung mga walang kinalaman sa problema ninyo ay nadadamay pa at napagbubuntunan ng galit mo.
IT IMPRISONS US.
Bilanggo tayo ng ating mga pusong mapaghiganti. Alipin tayo ng taong nakasakit sa atin. Hindi tayo makakalaya kung patuloy nating aalagaan ang mga negative feelings sa puso natin.
INAAGAWAN MO ANG DIYOS NG PAGKAKATAON NA IPAGHIGANTI KA.
God is just. He will not allow the righteous to fall. He said in His word that we should leave room for His wrath and that vengeance is His. He will not let the wicked go unpunished.
I think it is about time na tanggalin na ang galit, sama ng loob, at bitterness sa ating mga puso.
THINK. REFLECT. APPLY.
Anong laman ng puso mo?
Meron ka bang gustong paghigantihan?
Do you trust God that He can execute justice in your situation?
+