26/10/2023
Yaqster may lagnat 2 days high fever 40 and vomit hindi na din makain. Pedia advise na admit na siya tonight dito nsa malapit samin sa CABRiNi Sto. Tomas batangas.
Pag pasok namin sa ER room may nurse pumasok nageexplain samin sobrang bilis niya magsalita and wala siya gana makipag usap samin ung tipong bawal mag tanng ang dating. Sa sobrang bilis niya mag salita si sexy na mismo nagsabi saknya na sorry nurse medyo tuliro kami p**i explain ulit. Hindi happy si nurse kasi pinaulit ni jho. Wala naman kami comment madami kami hindi talaga naiintinidhan sa sinasabi niya na gagawin sa anak namin.
Alam niyo naman si jho ang pisi mahaba siya nagadjust para magcatch up kay nurse. After niya magexplain ng mabilis nag tanng ako if nagmamadali ka ba? Si ate nurse walk out few minutes pumasok ung doc sa ER ineexplain ung gagawin test kay Yaqster bigla na lang kami may narinig si nurse nagwawala na sa labas na bastos daw ung lalaki dun dapat paalisin.
Habang explain si doc narining ni jho na ako na nga ang pinaparinggan na paalisin. Sinabi ni jho kay doc hindi namin nagustohan si nurse kasi nagmamadali siya. sinabihan niya pwede ba iba mag assist samin?
kasi ang sabi lang naman ng asawa ko saknya nagmamadali ka ba?. Sabi ni doc madami naman po pwede mag assist sasabihan na lang.
Pero paglabas ni doc si guard pumasok sa room at pinapaalis na nga ako. Naiinitndham ko if my policy sa nagdadala ng pasyente sa hospital kung limited lang wala naman problema pero ung paalisin mo ko dahil nagtanong ko kasi hindi namin naiintidhan ung gagawin sa anak ko at ipinapaulit ko medyo off naman.
At wala ba ako karapatan dun sa loob na alamin kalagayan ng anak ko?
Isang beses lang ako nagsalita hindi din ako galit hindi ako pabalang na nagsalita. Kasi ang priority namin is check ung anak namin. Kung may pinagdadaanan si Nurse pwede naman niya sabihin hindi naman kami nagpipilit dali ko naman kausap if hindi mo gusto pwede naman lumipat.
Ending alis kami sabi ko kay jho alis na tayo lipat na lang hospital. Kasi parang mali na ung ngyayari.
Sana naman mainitindihan din ng mga nurse or doctor ung kalagyan namin as a parent wala naman kami alam sa mga sinasabi nila need ipaintindi samin un wala kami medical background kaya nga kami pumnta sa hospital.