26/04/2024
💯
Have you seen this? Ano ba ang guide for crew meals during events?
1) individually packed dapat para sakto sa bilang (pag buffet type may mauubusan, so you need to shell out for meal allowance)
2) meal that can be eaten on the go, with plastic utensils -- so out ang parts na puro buto (yung pang sigang na karne pero passed off as spare ribs or puro ribs at leeg ng chicken)
3) meal that is decent given that it's an event day -- siguro pag nasa bahay pwede ma enjoy ang tuyo o galunggong pero not sa event day
4) meals that are packed properly -- hindi yung squished ang takip kasi super lambot so naka mix na lahat (viands, rice, dessert)
5) sanitary - ayaw natin ng food poisoning
We have good suppliers of crew meals, let's patronize them kasi may respeto din sila sa kakain ng gawa nila.
Pwede rin mag bigay ng meal allowance.
(And if you're thinking totoo ba yan... Who gives chicken neck or all bones or all onions na sisig or galunggong and tuyo on a wedding day? Sadly, totoo lahat yan. Even sadder, lunch time ang iba so pati bride and groom ganyan ang food. Si relative na naglagay ng chicken necks, i guess di niya naisip pwedeng sa bride mapunta. Si crew meal provider na nakuha dahil may discount, di siguro naisip na the groom would react adversely sa sisig na puro onions.)