29/12/2021
Sa pakikipag-ugnayan at pagtutulungan ng DSWD RXII ay nakapamahagi ng tulong pinansyal para sa mga mamamayan ng Sultan Kudarat na naapektuhan ng kalamidad dulot ng Pandemiya. Ito ay isinagawa sa iba't ibang Munisipalidad sa lalawigan ng Sultan Kudarat. Ang layunin nito ay makapagbigay ng tulong sa mga nagpositibo sa naturang sakit (COVID-19) upang maibsan ang kanilang problemang pinansyal.
Sa pangunguna ng ating mahal na Gobernador Suharto T. Mangudadatu Gov Teng Mangudadatupax at suporta ng ating Congresswoman 1st District Bai Princess Rihan Mangudadatu Sakaluran- Abdurajak. Lubos na nagpapasalamat ang mga mamamayang Sultan Kudarateños sa magandang adhikain.
Manatili po tayong ligtas at matatag
with Elenita Saavedra, Gov Teng Mangudadatupax, Teng Tan Falcon, Dswd Socsksargen at DSWD Field Office RXII