16/04/2022
Mawawala ang KILIG, pero hindi ang PAG-IBIG
Ang katotohanan mawawala talaga ang Kilig sa Partner mo,
nawawala din ang excitement sa Ministry, nawawala din ang gana sa pag-pasok ng trabaho o school, in short darating talaga sa punto mawawala ang KILIG,, pero... wag mong hayaan mawala ang PAG-IBIG..
kaya pala ito ang dini-deal ni Jesus kay Peter,, "Peter do you Love me? kasi hanggang may Pag-ibig pa sa ministry mo, maglilingkod ka parin, hanggang mahal mo pa ang Dream mo, ilalaban mo parin, at hanggang mahal mo pa sya (ayyiiee) ,,, sya parin Ang pipiliin mo.,
kaya pala GOD is LOVE... (1john4:16)
dahil maaring dumating ang time, makita mo na ang kahinaan ng partner mo na hindi mo nakita nung una,, kapag ubos na ang Kilig at tila nabawasan ang pagibig,, huhugot ka sa Author ng LOVE..
at si Lord ulit magbibigay ng PAG-IBIG (sa Relationship, Ministry, Dream etc.)