21/05/2024
Aprubado na ng Committee on Health ang panukalang batas o House Bill 10170 ni Minority Leader at 4Ps Partylist Representative Marcelino C. Libanan na layong mag-convert sa Eastern Samar Provincial Hospital (ESPH) bilang isang tertiary hospital at medical training center. Ang pagbabagong ito ay magpapalawak ng bed capacity hanggang 500 mula sa kasalukuyan nitong 100, magdaragdag ng mga bagong plantilla positions para sa mga Doctors, Nurses, medtechs at iba pang medical professionals, karagdagang medical facilities at equipment na magpapahusay sa kakayahan nitong gamutin ang mas komplikadong mga kaso at magsilbing sentro ng pagsasanay para sa mga healthcare professionals sa rehiyon. Layunin ng inisyatibang ito na tugunan ang lumalaking pangangailangan sa serbisyong pangkalusugan sa Eastern Samar at mga karatig na lugar.