27/03/2020
Magaling lang daw kayo sa clasi sabi ng mga BOBO!! ninyong ka clasi.. hndi bagay sa inyo ang pa.aralng iyan.. pugad nga mga rebilde.. galing sa pundo ng kaban ng bayan ang gina gamit sa pag papa.aral sa inyo tapos paralang siraan ang gov. at ang bayan..! Mga ENGRATA!
Wala kayong pinag ka iba sa mga bayaning ini.idolo nin..
Maraming sabi-sabi at patutsada si Duterte sa kanyang press conference hinggil sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa. Ibinuhos na niya lahat ng galit niya sa mga kritikal sa kanyang bulok na pamahalaan, pagpuri sa kanyang mga alipores, at ang mismong deklarasyon (bagama't in denial) ng Martial Law, nagpasalamat sa Tsina sa maaaring ibigay nitong tulong NGUNIT walang naging malinaw na tugon sa problemang kinakaharap ng bansa, walang pahayag tungkol sa kalagayan ng mga maralita, ng mga manggagawa, at ng mga magsasaka sa gitna ng krisis sa kalusugan at ekonomiya, walang pagtanggap ng pananagutan kasama ng kanyang mga alipores bilang mga opisyales ng gubyerno na labis na nagpalala ng sitwasyon bunga ng kanilang kapalpakan at kapabayaan.
Sa pagharap ng bansa sa matinding krisis, lalong nakikita na hindi ang interes ng mga mamamayan ang siyang iniintindi ng rehimeng Duterte. Sa ganitong sitwasyon kung saan may banta sa kalusugan ng mga Pilipino, abot-kayang serbisyong pangkalusugan ang siyang pangunahing pangangailang dapat matugunan.
Sa kabilang banda, ano ang sagot ng kasalukuyang administrasyon? Martial Law. Nakakapanggalaiti na sa gitna ng matinding suliranin na kasalukuyang kinakaharap ng sambayanang Pilipino, ginagamit itong bentahe ng pasistang rehimen ni Duterte upang lubusang itulak ang kanilang mga makasariling interes. Handa niyang isakripisyo ang buhay ng mga Pilipino para lamang pagsilbihan ang mga amo niyang imperyalistang bansa. Tila hindi isang virus ang papatay sa masa dahil matagal na tayong unti-unting pinapatay ng mga pasistang atake ng rehimen ni Duterte.
Walang malinaw na pahayag si Duterte sa kung paano tutugunan ng pamahalaan ang lumalalang paglaganap ng COVID-19. Bukod sa pasismo, ipinapasa ni Duterte ang bigat ng krisis sa balikat ng mamamayan nang walang pagbibigay konsiderasyon sa iba’t ibang mga kondisyong kinapapalooban nila.
Ang mga polisiya gaya ng “social distancing” ay manipestasyon nang hindi pagkilala ni Duterte sa konkretong kalagayan ng mamamayang Pilipino. Paano oobserbahan ang "social distancing" kung ang tanging paraan lang mga mamamayan upang umuwi sa kanilang mga tahanan ay ang pagtitiis sa masikip at traffic na commute? Paano oobserbahan ang "one-meter" social distancing rule, kung pagpasok mo ng bus o ng tren, ay para kayong mga sardinas na pilit isinisiksik sa lata?
Para kanino nga lang ba 'yang social distancing na 'yan kung ang paraan lang ng mga tsuper, vendor, at ibang pang mga manggagawa ay magtrabaho at humanap ng panggastos sa lansangan? Paano naman sila makakapag-imbak ng pagkain, tubig, materyal pang sanitation kung mismong supply ng tubig, kuryente, basic goods ay pinagkakait sa kanila?
Paano naman ang mga kababayan nating mahihirap, paano naman nila mapapakain ang mga pamilya nila sa loob ng isang linggo, isang buwan, kung walang inihandang tulong o plano ang administrasyon para sa kanila. Sa isang krisis kung saan dapat ay lahat natutugunan at natutulungan, paano naman ang mga mahihirap at maralita na tila hindi naman nabibigyan ng tulong? Social Distancing nga ba o Only for the Socialites?
Kailangang panagutin ang intutil na rehimeng Duterte sa kawalan niya ng tugon sa hinaing ng mamamayan. Matindi ang naging epekto ng kapalpakan at kapabayaan ng estado sa buhay, kabuhayan at kalusugan ng mamamayang Pilipino. Pinalala lang niya ang kalunos-lunos nang sitwasyon ng mga maralit- sa ilalim ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunang Pilipino. Noon pa man lugi na ang mga mahihirap sa isang bansang pinaghaharian ng imperyalistang US at mga ganid nitong tuta ngunit sa ilalim ng isang palpak, pahirap at pasistang pangulong si Duterte, lalo lamang naghikahos ang kalagayan ng mamamayan. Ngunit sa ilalim din ng ganitong uri ng pamahalaan na sukdulan ang pagpapahirap sa batayang masa, sisibol ang militanteng pakikibaka na magpapabagsak sa isang diktador.
Kaya’t ang sigaw ng sambayanan: PALPAK AT PABAYANG ESTADO, PANAGUTIN! DUTERTE PATALSIKIN!