02/01/2022
Alam mo Mare ayoko naman maging negatron at bagong taon naman ano? Kaya laang kanina nuong akoy naliligo akoy napaisip bilang ang aking kumareng $^$&* ay nagmessage sa akin dine sa Fb. Ang sabi ba gay "Namamasko po" with picture ng aking inaanak. Abay online na ngay on? di ko ga alam kung sesendan ko ng emoji na kamay para siyay makapag virtual mano. Akoy natakot naman at baka ba ga akoy sendan ng gcash number at ika namay isend ko na laang ang papasko ko. Ay di wala namang laman ang gcash ko ano, baka mag expect ay mamaya akoy masendan ng hate message yung mga nababasa ko dine sa fb na nag demand sa kumare. Ay huwag pakiusap ayaw kong magpost ng kumare! Ay bay ga nga dine sa Pilipinas ay gay on. Pagka ikaw daw ay kinuhang ninong o ninang ay bawal kang tumanggi at masama daw iyon. Bagoy pag pasko namay lumpo kana kabibigay ng pibting malutong ay pagka ang kumare mo pa ay bahagyang may kaya, ay di nakaka hiya namang abutan ng pibte ang bata syempre gagaw in mong 200 o 300. Ay juskopo pag naka tatloy kulang kulang isang libo din. Ay bay ga naman anong daming kumuha ng ninong at ninang mga kumare? Di gay sabing ang ninong at ninang at pangalawang ama o ina ng bata. Ay bakit may pang tatlo, may pang apat, may pang lima, minsay may pang baynte pa e sa dami ng ninong at ninang. Ay awan ko na laang pag naligaw pa ng landas ang batang iyan sa dami gagabay. Ay di gay sabiy yun daw ang role ng ninong at ninang? Ay ngalay ngalay ko ngay sabihin sa mga inaanak ko pagkaka mano e, muka namang di kapa naliligaw ng landas ineng ay bat ikay naandine na? Kumbaga ay willing naman akong maging kumare ninyo bakit ba ga ang hindi, kaya laang sadyang sa panahong ganito ay nakakalumpo.