08/02/2023
I Found Happiness (and $$Money$$) in Planning Parties
The last 20 years have been exciting years of planning parties for my clients, from weddings to debuts to corporate events and product launches, among others. We planned small parties for 50 persons, at meron din wedding for 1000 guests. Every week is filled with parties.
Pero hindi ko plano na maging event planner.
I graduated as a nurse in the 90s. Pero dahil sa mababang sweldo ng mga nurses sa hospital, (the salary was P4,000 when I graduated), at ayaw ko din magtrabaho sa ibang bansa, I decided to try other things to support my family (I was the bread winner).
Iba ibang raket ang pinasok ko, mula sa pagbebenta ng kotse at insurance, hanggang natutunan ko ang event planning.
It was 1998, may nabasa akong libro tungkol dito, at naging curious ako. Mukhang interesting na career ito, at wala pa akong nakita na event planner sa lugar namin. Kaya sinubukan ko.
Para sa ekonomiya.
At mukhang may blessing ni God kasi He sent some friends to help me start this business. And then, He sent friends na may family events who needed my help.
Sa unang taon, 4 na events ang na organize ko: may kasal, may birthday, may bar opening.
Nakakatuwa! Kailangan nila ang service ko bilang event planner!
So itinuloy tuloy ko lang.
Unti unting dumami ang clients ko. At sa bawat event, I tried to make everything almost perfect for the client (wala naman talagang perfect event). Ang partner ko lagi, si God.
It was hard at first. Konti pa lang ang may cellphone, wala pang internet, or mahal ang internet. Commute din lang ang pagpunta sa mga meetings with clients and suppliers. Lahat ng checklists and event guides, mano mano kong ginagawa. Very challenging noon.
Ang matindi pa, hindi alam ng ibang mga suppliers kung ano ang event planner. Bakit daw ba ako nakikialam sa event ng iba?
Pero dahil gusto kong gumaling na event planner, pinag-aralan ko talaga, kahit karamihan ay owido. Nag tyaga ako, kahit wala akong mentor.
And with God’s blessing, halos lahat ng events ko ay very successful, at dito nanggagaling ang karamihan mga clients ko, sa word of mouth. Mga referrals ng mga past clients ko, or naka-attend sila ng event ko and decided na they want to have the same experience 🙂 Marami din ay referral from co-suppliers na nagustuhan nila kaming ka-trabaho ng team ko. Kay dumami ang clietns namin kahit very minimal lang ang promotion namin.
We try to create quality events all the time. And always with the guidance of God.
One time, may narinig ako sa isang dumaan lang at nakita ang preparations namin: ang ganda naman ng event na ito. At pag nalaman nila na event ito ng team ko, “Kaya pala maganda”.
May iba pang comments akong narinig:
“Basta weddings ni Teena, maganda yan at sosyal”.
Hindi ko akalain na yun na pala ang branding na ipinarating namin sa mga tao, na epekto ng trabaho namin ng team ko. Hindi ko pa nga alam noon kung ano ang branding. Basta lang we always try to do our best.
Nakakapagod. Nakakaloka.
Pero masaya.
It has opened many opportunities for me. Marami akong na meet na tao na normally hindi ko nami meet, kasi magpapa organize sila sa akin. Mga negosyante, mga politicians. Mga kilalang pamilya sa probinsya namin.
At nakapunta ako sa iba't-ibang magagandang lugar.
Dito ko naranasan yung hindi ako naghahanap ng client, sila ang lumalapit sa akin. And it was a great feeling. Sobrang blessings.
And it is a business I love doing.
Kaya may nababalita akong events na hindi masyadong maayos, pero may coordinator naman na hindi ginawa ng maayos ang trabaho nila, nalulungkot at nanghihinayang ako, kasi hindi biro ang perang ginagastos ng clients sa event nila.
Dahil dito, lalo namin pinagbubuti ang trabaho namin, to show na marami din event planners na maayos at matinong mag trabaho.
May naka partner ako dati na coordinator, minamadali talaga nya matapos yung event. Hindi ko maintindihan kung bakit. Yun pala, may date siya after ng event.
As much as possible sa mga events ko, give your all to it, lahat ng oras mo, lahat ng effort mo, para lang sa event na yun. Kasi very special day yun para sa clients.
May mga nababalita din tayo na scammers. Kaya nadadamay pati mga legit na event planners. Wag naman ganun (although kung iisipin, kahit saang industriya, may scammer naman).
Sa business na ito, naitaguyod ko ang pamilya ko, natulungan ko ang mga kapatid ko sa pagaaral nila.
May pambayad ng bills, may pang grocery, pang tuition, pangbaon, may sariling sasakyan na din, Mitsubishi Adventure noon ang sasakyan ko. Tamang tama na kargahan ng mga gamit tuwing may event.
Kung nagbabasa ka pa rin, maraming salamat sa time mo.
Sana, na inspire ka sa istorya ko, sa journey ko bilang event planner.
Gusto mo ba ng additional source of income?
Gusto mo rin ba maging event planner? Gusto mo rin magkaroon ng negosyo na napapanahon, masaya, at magbibigay sa yo ng magandang income?
Do you have what it takes to be an event planner? Do you like to talk to people? Are you detail-oriented?
Send me a message, tulungan kita. Turuan kita. Ituturo ko sa yo ang mga learnings ko sa 20+ years of organizing events.
I can teach you to be an event planner kahit malayo ang tinapos mo na course (graduate ako ng nursing).
Para sa journey mo, may kasama ka, may magbibigay sa yo ng tips, mga shortcuts, mga guides. Kasi nung ako, ang hirap, walang nagturo sa akin. Puro owido. Daming mistakes, daming lessons.
Paid teaching class ito, pero it will be worth it At tiyak na mas mura ito kesa sa ibang event planning course.
CAN I ALSO ASK FOR A SMALL FAVOR YOU?
Please share this post.
Please help me find people who would also like to learn to be an event planner.
Yung gustong magsimula, pero hindi alam pano magsimula.
Yung willing matuto.
Again, thank you for reading this, and for sharing with your friends.
I am Teena, and this is my story.