06/05/2025
Ginaya na nga ako sa pagiging match maker, ginaya pa ako sa pagbebenta ng tubig.
Walang originality to.
💧 Aqua Miguel — Ang Agua na 'di bubutas ng bulsa!
✅ Sa halagang ₱35, talagang mapapa “Ayyy, Miguel!” ka!
🗳️ Tubig para sa masa, hindi para sa iilan.
Aqua Miguel: Tubig ng Bayan, Tubig para sa Lahat!
From the desk of Match Maker Miguel Navarro - WUW PH
Aking minamahal na ka-Dexcon,
Aking nasaksihan kung gaano kasakim at ka-corrupt ang Matchmaker ninyong si Linus! Tubig na sobrang mahal? Halaga pa lang, uhaw na agad! Sa ₱350, napakalayo na sana ng mararating — pero sa kanya, parang bula lang!
Kaya naman, bilang lingkod na may malasakit, ako’y gumawa ng solusyong abot-kaya:
Aqua Miguel — malinis, masarap, at abot-kaya.
Isang litro sa halagang ₱35 lang — ‘yan ay ₱0.35 kada mililitro!
‘Yan ang serbisyong totoo.
‘Yan ang serbisyong may puso.
Kita-kits sa Dexcon Dakila — at hayaan n’yong mapawi ko ang inyong uhaw habang pinapanood ang paborito ninyong International at Pinoy wrestlers sa Aqua Miguel!