Radyoman Edgardo Maceda

  • Home
  • Radyoman Edgardo Maceda

Radyoman Edgardo Maceda EM PRESS ITV-THE NEW SOURCE OF INFORMATION.

20/02/2025
09/01/2022

Proclaim Christ
Sunday Worship Service

07/01/2022

Proclaim Christ
Voice for D' Boyz
Friday Night

05/01/2022

Proclaim Christ
Wednesday Real Talk

Monday to Friday @ 9-10amCool 101.5
02/01/2022

Monday to Friday @ 9-10am
Cool 101.5

02/01/2022

Proclaim Christ Sunday Worship Service

17/12/2021

Girl's Night 121921

15/12/2021

The Disciples 121521

Generation Z is opened to a wider view of the world and more connected to people from all walks of life and cultural bac...
15/12/2021

Generation Z is opened to a wider view of the world and more connected to people from all walks of life and cultural backgrounds.

There is a deep concern for the state of the world and a desire to take part in the process of bringing it to task.

Let our young people do the talking, when they speak for the Lord.
Ecclesiastes 11:9
You who are young, be happy while you are young,
and let your heart give you joy in the days of your youth.
Follow the ways of your heart
and whatever your eyes see,
but know that for all these things
God will bring you into judgment.

11/04/2021

Status of Covid-19 cases in Quezon Province as of 5:00 pm today

05/03/2021

Gatchalian muling nanawagan sa telcos na ayusin ang mabagal na internet connection



Tatlong buwan matapos lumipas ang ultimatum ng Pangulo sa telecommunications companies na ayusin ang kalidad ng kanilang serbisyo, laganap pa rin ang mabagal na internet connection sa bansa, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Pinalala pa ito, aniya, ng mabagal na pagtugon ng mga telcos sa mga reklamo ng kanilang mga subscribers na may kinalaman sa mobile data at palyadong broadband services.

“Hindi na natin kailangan pang ipagdiinan na hindi nasusulit ng mga tao ang binabayaran nilang serbisyo. Ang mas hindi katanggap-tanggap ay ang kawalan ng agarang pagtugon lalo na sa ganitong panahon na mabigat ang pangangailangan ng bawat pamilya pati na rin ng commercial establishments ng maayos na internet services,” sabi ng Senate Economic Affairs Committee Vice Chairman.

Isang halimbawa dito aniya ang kaso ng mga residente ng Valenzuela City na napilitang dumulog sa kanilang mga lokal na opisyal dahil hindi natutugunan ang mga hinaing nila sa mabagal o kawalan ng internet connection.

Karamihan sa mga reklamong natatanggap ng pamahalaan ng Valenzuela City mula sa iba’t ibang social media platforms ay may kinalaman sa sablay na internet connection, walang internet access o signal na umaabot ng ilang araw o linggo at hindi maagap na pagseserbisyo ng technical crew ng mga internet service providers (ISP).

Kapansin-pansin din ang pagtaas ng bilang ng mga reklamo sa lokal na pamahalaan sa huling bahagi ng 2020 bunsod ng kawalan ng aksyon ng PLDT, Converge ICT at Globe Telecoms sa kanilang mga hinaing.

“Hanggang kailan pa tayo magdurusa sa problema ng internet connectivity? Baka naman nabakunahan na tayong lahat kontra COVID-19 tapos hindi pa natatapos ang problemang ito. Hindi katulad ng singil sa kuryente na maaring installment, ang mga subscrbers ng telcos ay buo ang binabayad. Sana suklian naman nila ang mga tao ng karampatang serbisyo,” ani Gatchalian.

Kamakailan lamang ay napabalita na bumilis na ang internet speed sa bansa kung kaya’t tumaas na ang global ranking sa mobile internet speed ng Pilipinas, mula sa pwestong 111th noong Enero 2020 ay nasa 86th spot na ito nito lang Enero 2021.

Ngunit ayon kay Gatchalian, hindi ramdam ang sinasabing mas mabilis na internet speed sa bansa dahil sa kawalan ng pagbabago sa kalidad ng customer service ng mga telcos sa kanilang mga subscribers.

Samantala, nananatili sa 100th na pwesto ang global ranking ng bansa pagdating sa internet speed ng mga fixed internet o fixed broadband, ayon sa Ookla Speedtest Global Index.

01/03/2021

‘Panel of experts’ ipinanukala ni Gatchalian para pag-aralan ang pilot test ng face-to-face classes



Ipinanukala ni Senador Win Gatchalian na magbuo ang Department of Education (DepEd) ng sarili nitong “panel of experts” na magsisilbing gabay sa pagsasagawa ng panukalang pilot test para sa pagbabalik ng face-to-face classes sa low-risk areas.

Dahil ang pangkalahatang sitwasyong pangkalusugan ang tinututukan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ang panel ng mga eksperto sa ilalim ng DepEd ang maaaring sumuri sa pilot testing program ng face-to-face classes gamit ang mas angkop na kaalaman, lalo na’t magkakaiba ang sitwasyong kinakaharap ng mga paaralan.

“Hindi naman ibig sabihin na dahil nagkansela ng face-to-face classes, titigil na rin tayo sa pilot schools. Ito ay magandang paraan para mapag-aralan ng ating mga siyentista ang maaaring gawin upang maibsan ang matinding pinsala ng COVID-19 sa ating mga mag-aaral,” pahayag ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Bagama’t unang binalak ng DepEd na magsagawa ng pilot test sa mahigit isang libong (1,065) mga paaralan, pabor si Gatchalian sa mga suhestiyon na isagawa ang mga ito sa mas maliit na bilang ng mga paaralan na dadaluhan ng mas maliit na bilang ng mga mag-aaral sa mga lugar na wala o maliit ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Ibinahagi ng Philippine Pediatric Society (PPS) ang resulta ng pag-aaral sa halos dalawang-daang (191) bansa, kung saan walang ugnayang nakita sa kalagayan ng mga paaralan sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa komunidad. Nagbabala rin ang organisasyon na ang isang taong pagsasara ng mga paaralan ay katumbas ng dalawang taong pagkawala ng pagkatuto ng mga estudyante.

Dagdag ng PPS, ang epekto ng pangmatagalang pagsasara ng mga paaralan—katulad ng pag-urong ng kaalaman, pagtaas ng mga kaso ng karahasan, pang-aabuso, at maagang pagbubuntis—ay maaaring mapigilan kung ang mga hakbang para sa kaligtasan ay mahigipit na ipatutupad.

“Maaaring maging mas malalim at mas matagal ang pinsalang dulot ng pagsasara ng mga paaralan. Bago pa tumama ang COVID-19, ang mga mag-aaral ay nahuhuli na sa mga international large-scale assessments at mababa na rin ang kanilang mga national achievement scores. At dahil sa kawalan ng face-to-face classes, internet, at gadgets, napag-iwanan lalo ang ating mga mag-aaral,” ani Gatchalian.

Muli ring idiniin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagbibigay prayoridad sa mga g**o para sa vaccination program. Sa Indonesia, halimbawa, una nang nabakunahan ang mga g**o bago ang iba pang nasa hanay ng vulnerable groups.

13/02/2021

Information at media literacy ng kabataan dapat paigtingin—Gatchalian

Lumabas sa isang pananaliksik na ang mga tinatawag na Gen Z, o yung mga isinilang noong 1997, ang kadalasang nagbabahagi ng hindi beripikadong impormasyon at balita. Para kay Senador Win Gatchalian, dapat maging hudyat ito sa pagpapaigiting ng media at information literacy para sa mga mag-aaral ng K to 12 sa bansa.

Ayon sa global cybersecurity firm na Kaspersky, dalawampu’t walong porsyento (28) ng mga nabibilang sa Gen Z ang umaming hindi sila lubos na nagsusuri sa kawastuhan ng mga balita bago ito ibahagi sa social media tulad ng Facebook, Instagram, at Twitter. Ang pananaliksik ay ginawa ng research agency na YouGov noong Nobyembre 2020 sa Australia, India, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Vietnam. May mahigit apat na raang milyong mga internet users sa Southeast Asia, ang rehiyong itinuturing na pinaka aktibo sa paggamit ng social media.

Sinabi ni Gatchalian na dapat maging prayoridad natin ang pagpapaigting sa kakayahan ng mga kabataang magsuri at maging responsable sa pagbabahagi ng mga balita. Binigay halimbawa ni Gatchalian ang patuloy na pagkalat ng fake news tungkol sa COVID-19 pandemic at sa nalalapit na pagbabakuna.

Ang Media and Information Literacy ay bahagi ng K to 12 curriculum. Paliwanag ni Gatchalian, mahalaga ang papel ng media literacy upang maging mapanuri ang mga mag-aaral, bagay na dapat nilang taglayin hanggang sa kanilang paglaki.

“Kung titignan natin ang resulta ng pag-aaral na ito, makikita natin na ang ating mga kabataan ay mas nanganganib na maging biktima o pagmulan ng pagkalat ng fake news. Dito papasok ang pagpapaigting sa information and media literacy ng ating mga kabataan, lalo na’t talamak ngayong panahon ng pandemya ang iba’t ibang uri ng maling impormasyon,” ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Lumabas din sa naturang pag-aaral na dalawampu’t isang porsyento (21) ng Gen X (ipinanganak ng 1965 hanggang 1980) ang nagbabahagi ng hindi beripikadong mga balita. Ito ay sinundan ng labing-siyam (19) na porsyento ng mga Boomers (1946 hanggang 1964) at labing-anim (16) na porsyento ng mga Millennials (1981 hanggang 1996).

Noong nakaraang taon ay nagbabala ang World Health Organization tungkol sa isang “infodemic” o ang paglala ng pagkalat ng disinformation at misinformation tungkol sa pandemya.

30/01/2021

Gatchalian isinusulong ang National Education Agenda para sa pagbangon mula sa pandemya

Kasunod ng inaasahang paglunsad ng Updated Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022 na tututok sa pagsasaayos ng mga pinsalang dinulot ng pandemya sa mga sektor ng edukasyon at paggawa o labor, isinusulong naman ni Senador Win Gatchalian ang pagkakaroon ng national education agenda na makatutulong sa pagbangon ng bansa. Naantala ang pag-aaral ng mga kabataan at marami ang nawalan ng trabaho at kabuhayan dahil sa pagpapatupad ng mga lockdown.

Ang panukalang batas ni Gatchalian o Senate Bill No. 1526 na kilala sa tawag na National Education Council (NEDCO) Act ay nagsusulong na paangatin ang sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng maigting na ugnayan at pagkakaisa ng mga polisiya ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) pagdating sa mga mahahalagang isyu ng bansa.

Sa ilalim ng naturang panukala, tututukan ng NEDCO ang mga pangangailangan ng labor market, isang integrated curriculum na makakapaghatid ng mga layunin at mga prayoridad sa sektor ng edukasyon, at isang K to 12 graduates employment plan upang tulungang makapaghanap ng trabaho ang mga nagtapos ng senior high school habang sinisigurung matutugunan ang mga pangangailangan ng gobyerno at pribadong sektor.

Kung maisabatas ang naturang panukala, magiging prayoridad ng NEDCO ang pagbuo ng national education agenda na tututok sa mga pinsalang dinulot ng pandemya para matugunan ang mga hamong dala nito, kabilang na ang digital divide o ang ‘di pagkakapantay pantay ng mga indibidwal patungkol sa access sa teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon. Kabilang din sa mga prayoridad ng NEDCO ang pag-angat sa kalidad ng edukasyon.

Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), mahigit dalawampu’t walong milyong mga mag-aaral mula sa pre-primary hanggang kolehiyo ang naapektuhan ng pandemya sa bansa.

“Ang muling pagbangon ng sektor ng edukasyon ay nangangailangan ng isang matatag na plano para sa pagpapatupad ng mga kinakailangang reporma. Kung mananatiling kulang ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng DepED, CHED at TESDA, hindi natin mabibigyan ng sapat na pagtutok ang mga hamon sa edukasyon na kailangan nating tugunan,” ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Address

Barangay Mayao Kanluran

4301

Telephone

+639664451917

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyoman Edgardo Maceda posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyoman Edgardo Maceda:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Event Planning Service?

Share