16/07/2024
"Ma ano niluluto mo
"Ma kumain kana ba
"Ma san mo nilagay ganito ko
"Ma aalis lang po muna ako
"Ma may pera ka
"Ma tara alis tayo
"Ma san ka pupunta
"Ma samahan moko ha
"Ma pasok na po ako
"Ma pakuha Naman ano
"Asan si mama"
-โค๐-
Ito yung mga salitang balang araw
di mo na masasabi .
Yung magigising ka sa umaga dahil sa sigaw ng nanay mo .
Yung maiinis ka ka kasi may ginagawa kapa tapos uutusan ka pa ulit .
Yung medyo ginabi ka lang ng uwi , galit na galit agad.
Yung nagpalaki sayo, Yung nagluwal sayo , Yung bumuo ng pagkatao mo , Yung gagawin niya ang lahat para mapakain lang kayo .
lahat ng yan ! mawawala.
Walang permanente , hindi mo alam baka sa muling pag kudlit ng orasan sa kasamaang palad mawawala na siya -ang nanay mo .
kaya pahalagahan mo, huwag kang magalit dahil lang sa inuutusan ka o dahil lang sa di pagsunod ng gusto mo .dahil balang araw , pag nawala siya sa tabi mo , mawawalan kana ng ganang mabuhay , Yung magigising ka nalang sa tilaok ng manok hindi ng dahil sa sigaw niya.Yung ikaw na mismo ang magluluto ng ulam nyo , hindi siya .Yung wala kang matatanungan pag may nawawala .Yung wala ng mag-aalaga sayo , mag kukwento sayo ng kalokohan mo nung bata ka .yung kukwentuhan ka nung panahon ng pagka dalaga nya ,
Yung wala kang mapagsabihan pag may problema ka.
Yung wala ng tatawag sa cellphone mo na magtatanong kung ok kalang ba ? .๐ข๐ญ
Mama hinubog moko bilang maging isang matapang , mapag pahalaga at mapag mahal na anak.
wala na yung salitang "NASAN SI MAMA"
na una kong hahanapin tuwing uuwi ako ng bahay.
Kaya habang buhay pa o habang may oras pa , pahalagahan mo,alagaan mo , huwag mong kagalitan , dahil sa pagdating ng araw ,Lahat yan magiging isang masayang ala-ala nalang na BIBITBITIN MO HANGGANG SA PAG TANDA .๐ขโค
kaya ikaw na nag babasa kung buhay at malakas pa ang MAMA mo ipakita mo kung gaano mo sya kamahal napaka swerte mo kasi ano mang oras ay mayayakap at mahahalikan mo pa sya.
๐ฅน