
09/02/2025
!
Singing Contest Event • Yung contestant di agad binigay yung music niya bago pa siya mag perform, so ang ending tinawag na siya ng host at nasa stage na tapos wala pa pala yung music niya. Then maririnig mo sa host na nagka-technical problem yung sound system.🤷🏻♂️
*Para sa mga sasali ng contest dyan na mag-peperform or kahit intermission lang, please lang paki-ready ng piyesa/music niyo bago kayo mag perform*
Naranasan na ata namin dito yung dapat maranasan ng isang sound system kapag ganitong event.
•Yung isa nasa stage at naghihntay i-play yung music niya kahit wala naman binigay samin.😂
•Yung isa wala talagang dalang piyesa, nasa YouTube daw music nila pero wala daw silang load.🤷🏻♂️
•Yung isa naman nag YouTube, tapos huminto yung music dahil nag loading.🤦🏻♂️ (Buti may isang mic pa sa tech booth at nandun din yung nag-rent samin kaya nag salita siya sa mic kung anong nangyari, kung di nangyari yun baka kami na naman masisi hahaha)
•Yung isa naman, Type C lang yung port ng phone nya, walang for 3.5, may Type C naman kami to 3.5 na converter/adapter, pero ayaw naman gumana sa phone nila. (Ayos yung Type C to 3.5 adapter ko dahil lagi ko naman gamit sa tablet yun)🙃
•[Edit, dagdag ko lang to] Yung isa naman is may nag chat sa messenger, tapos bigla nawala yung music (mga 1-3 seconds ata), bumalik din after ng notification nun. (Buti nga hindi call, kasi panigurado pati ring nun maririnig sa speaker.😂)
PS. Alam kong matagal na nangyayari yung ganito at paulit ulit lang, but hopefully i-consider ng ibang Organizer/s & Contestants (mapa Professional man or Hindi, Contest man or Intermission) na ibigay sa Tech/Spinner yung piyesa/music na gagamitin nila sa event na yun before the event, or kahit mismong event basta bago lang sila mag perform para ma-test & prepare at para maging smooth yung flow ng Program.🙂