09/06/2020
March, mag-mula nung matigil ang mass gathering. Natigil lahat.
Oo nakaka-miss magka income, pero mas nakaka-miss at nkaka lungkot na mula March, natigil din tayo sa pagpapa-saya ng mga client natin, natigil yung makita natin yung priceless na itsura nila kung gaano sila kasaya sa outcome ng celebration na ilang buwan o taon na pinag ipunan nila at pinag planuhan. Yung mga tawa ng mga bata sa tuwing nagpapa saya ang mga talents natin gaya nlng ng magicians. Yung makita mo lang na tlagang satisfied yung client, alam mo na agad na sobrang worth it yung ilang araw na pag pupuyat mapa ganda lang yung backdrop para sa little one nila.
Nakaka-miss yung isa ka sa bilang ng mga tao na magpapa memorable ng araw nayun sa celebrant. Yung artwork na balang araw maalala ng celebrant kung gaano ka-special ang naging birthday nila nung mga bata pa sila.
Sa mga ka industriya ko (party supplier, event planner, photographers/videographers, magicians, clowns at ibapa) kapit lang tayo💪🏻, makikita din ulit nating naka ngiti mga client at magiging clients natin.
Godbless and Keep safe everyone! ♥️