
01/09/2025
Ngayong Setyembre, nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Biñan sa pamamagitan ng BCHATO sa pagdiriwang ng Philippine Creative Industries Month, isang pambansang selebrasyon na kumikilala sa husay, talento, at ambag ng mga malikhaing Pilipino sa pagpapaunlad ng ating lipunan.
Ang pagdiriwang na ito ay nakaugat sa mga prinsipyo ng pagiging malikhain, inklusibo, makabago, at makabayan. Ito ay nagsusulong ng:
⭐️Pagkilala at pagtangkilik sa ating mga artista, manggagawang pangkultura, at malikhaing propesyonal.
⭐️Pagtutulak sa creative economy bilang mahalagang bahagi ng pambansang kaunlaran.
⭐️Pagprotekta at pagbibigay-suporta sa karapatan at kapakanan ng mga nasa sektor ng sining at kultura.
⭐️Pagpapalalim ng ating pagpapahalaga sa sining at kultura bilang salamin ng ating pagkakakilanlan.
Para sa Lungsod ng Biñan, mahalaga ang pagdiriwang ng Philippine Creative Industries Month dahil ito ay nagbibigay ng pagkakataon upang sama-samang palakasin ang boses ng mga alagad ng sining at kultura, at tiyakin na ang kanilang ambag ay naitatala, napapahalagahan, at naipagmamalaki, hindi lamang sa Biñan, kundi sa buong Pilipinas.