20/12/2024
Good evening po every one gusto ko lang pong ipag malaki tong tao na to btw sya po ang adviser ko nung grade 1 student palang po ako sa SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL. After 21 years po nakita ko po kayo ulit, sa sobrang tagal na panahon ko po kayo hinanap di ko po akalain na sa school show ko pa po kayo makikita ulit. Hmm. Maam kung sakaling mababasa nyo po itong post ko gusto ko lang pong mag pasalamat sa lahat ng kabutihang asal na itinuro nyo po sakin. Lalo na nung mga panahong takot po ako pumasok sa school kasi po lagi po akong binibully ng mga classmates ko po nun. Alam nyo po maam kahit na matagal na panahon ko po kayong di nakita, hinding hindi ko po kayo makakalimutan maam. Sabi ko po kasi sa sarili ko dati na kapag na achieve ko po lahat ng pangarap ko po sa buhay is hahanapin ko po kayo ulit para po mag pasalamat sa pagiging pangalawang ina sakin sa loob po ng school. Mahal na mahal ko po maam isa po kayo sa nag patunay sakin na hindi hadlang ang kapansanan or pinag dadaanan ng isang tao para matupad yung pangarap nya. Sana maam kung mababasa nyo po itong post nato sana kahit sa maliit na bagay ng pag post ko pong ito ay naparating ko po sa inyo ang pasasalamat ko po. Sana bigyan pa po kayo ni lord ng mahabang buhay at malakas na pangangatawan para marami pa po kayong batang maturuan. Iloveyou so much maam sana sa susunod na pag kikita natin naka angat na po ako sa buhay hanggang sa muli po maam 😘❤️