Pasta Pilipinas

Pasta Pilipinas Pasta Pilipinas A SHORT STORY OF SPAGHETTI, CHOW MIEN, PIAN I SIT, AND PANCIT! At ito ay nagsisilbi nilang pagkain. Hay naku ang gulo, ne po!
(2)

Long time ago “pasta” based foods are considered “comfort foods.” In the Philippines, comfort foods are also known as “street foods.” Ayon sa marami, ang mga sangkap at pamamaraan ng paggawa ng pasta ay walang masyadong pagbabao. Kaya itong pasta ay tila nagsisilbing ating matibay na connection with the culinary style of the past. Sinasabi pa rin ng marami na ang pasta any nagmula sa bansang Gre

ece at hindi sa Italy. The word ‘pasta’ itself comes from the Latin ‘pasta’ na ang ibig sabihin ay minasang harina - - na nagmula naman sa Greek word ‘pastos’ – na ibig sabihin ay inasinan o salted pasta. Alam n’yo ba dito sa atin ay ang minasang harina na may asin na siyang ginagawang “pan de sal” – isang wikang Kastila na ang ibig sabihin ay tinapay (pan) na may asin (de sal), na naglaon ay tinawag nating pandesal, the early morning bread that we love to dunk in cup of hot coffee or even at any time of the day! On the other hand, in ancient Greek mythology, may alamat na ang diosdiosang si Vulcan ay nagpapasak ng minasang arina ng trigo sa isang tila makina. Ang makinang ito ang siyang gumagayat sa minasang harina mula sa trigo para maging mga mahahaba at matatabang hibla ng sinulid, na kung tawagin ng mga Italyano ay “spaghetti.”

Pero dito sa atin, ang spaghetti ay kalimitang itinataguri sa isang culinary preparation, samantalang ang tunay na ibig sabihin nito ay “noodles nabilugan” at kapag malapad naman ang tawag dito ang “linguine.”

Ayon sa mga archaeologists ang noodles o mga mahahabang hibla ng arina mula sa mga halaman ay nagmula sa kalagitnaang Asya, libong taon na ang nakakaraan. Ang tawag sa noodles sa Chinese ay depende kung ano ang “raw material” ang gamit sa paggawa nito; tulad ng rice noodle ang tawag ay FEN at kung harina namang mula sa trigo ang ginamit ang tawag ay MIEN – kaya nagkaroon ng CHOW MIEN. Ang chow mien ay isang stri-fry noodles na kung tawagin natin ay PANCIT na mula naman sa wikang Hokkien na PIAN I SIT. Ngunit ang iba ay nagsasabi na ang pasta o noodles ay nagmula sa mga Arabo ng Libya na siyang nagdala nito sa Italy. Pinagbuti diumano ng mga Italiano ang paggagawa nito gamit ang durum wheat at binigyan nila ito ng mga iba’t-ibang sahog na di tulad ng mga Arabo na may sahog lamang na talong at iba pang gulay. Pinasarap pa ng mga Itayano ang pasta at nilagyan pa nila ito ng iba’t-bang uri ng sauce subalit ang sauce na mula sa sa kamatis ang naging pangunahin sangkap. Hinaluan din nila itp ng mga karne, chorizo, at iba pang uri ng gulay at lamang dagat na sinapawan pa ng keso. Sa kasalukuyan meron sa mga tindahan dito sa atin na kung tawagin ay “Instant Noodles.” Ito ay mga tuyong noodles o pasta na upang makain ay hinahaluan lamang ng iba’t-ibang uri ng mainit na sabaw mula sa karne ng baka, baboy, manok o di kaya ay seafood. Mabuti pa noon ang mga instant noodles ay hindi nilalagyan ng mga preservative at mga mapaminsalang kemikal! Pero ang una palang nakagawa ng dried noodles o instant noodles ay ang mga Arabo na kung saan ay dala-dala nila ito sa kanilang malayuang paglalakbay at maging sa labanan. Dito sa atin, ay parehong matatagpuan bilang pagkain ang pasta at pian i sit. Kapag yari sa pasta kalimitan ang tawag natin ay spaghetti at pag mula naman sa Chinese ang tawag nga natin ay pancit. Lumalabas na hindi si Marco Polo ang nagdala ng noodles sa Italya – kasi bago pa man nagpunta siya sa Tsina ay may pasta noodles na sa Italya. Hindi rin pwede na siya ang nagdala ng noodles sa Tsina dahil pagdating niya doon ay mayroon ng pian i sit ang mga Tsino! Basta ang noodles sa Italya ang tawag ay spaghetti pagbilugan ang hugis nito at kapag palapad ang hugis ay linguine. At sa Tsina ay kung hindi “fen,” “mi,” o “mien” na kapag naluto sa mabilis na paggisa nito ang tawag ay “chow mien” na tinatawag din sa salitang Hokkien na “pian i sit!” At na ng dumating ito sa Pinas ay tinawag nating PANCIT! Kaya sa kasalukuyan, kapag mahahaba ang noodles ang tawag natin ay pancit, kapag nilagyan ng sarsang may sangkap na kamatis nagiging spaghetti at kapag parang pinagputol-putol na noodles tulad ng macaroni o di kaya ay rigatoni – ang tawag natin ay “pasta!”

ANO KAYA ANG KAHIHINATNAN? Isang araw, aking napagwari na dapat baguhin ang pananaw ng masang Pilipino, na kapag ang pasta ay may sahog na bola-bolang karne at tomato sauce ay hindi tamang tawagin itong spaghetti, bilang isang uri ng putahe. Kaya natanong ko ang aking sarili ng ganito – “Ano kaya ang kahihinatnan, kung ang gawin kong pagsahog sa iba’t-ibang uri ng pasta ay pagkaing Pinoy – mabago ko kaya maling paggamit ng salitang spaghetti bilang isang uri ng putahe. Sumarap naman kaya at magustuhan ng masa kung ang ilalagay sa pasta ay mga Pilipino flavored recipes. What I am trying to say is to serve and eat Pilipino foods with pasta, instead of rice! Halimbawa, ilagay natin sa ibabaw ng pasta ay dinuguan, kaldereta, sisig, o di kaya ay kare-kare. Umakma kaya ito sa panglasang Pinoy at mabago ang pananaw na hindi dapat itawag ay spaghetti sa lahat ng pasta na may halong tomato sauce at meatballs! ISANG KONCEPTO

Mula rito ay nabuo sa akin ang isang konsepto, na palagay ko ay masarap ang mga likas na lutong Pinoy bilang ka pares ng pasta, imbis na kanin! Kung masarao ang Putaheng Pinoy sa mainit na kanin – palagay ko masarap din itong itambal sa iba’t-ibang uri ng pasta. At nabuo sa akin na subukan ito! Isang buwan kong sinubukan ang mga putaheng Pinoy na katambal ang pasta – mula sa linguine, spaghetti, macaroni, rigatoni, vermicelli, farfella, at iba pa. Isang buwan na wala akong ginawa kung magluto, tikman ang niluto, ipatikim ito sa mga kaibigan at mag-adjust ng putahe ayon sa mga punang aking natanggap. Hala, isang buwan ng pagluluto, tikim at ipatikim at maggawa ng pagbabago sa tipla at presentation ng mga lutong pinoy at pasta.

Address

716 New Canlubang Village, Paciano Rizal
Calamba
4027

Opening Hours

Monday 8am - 8pm
Tuesday 8am - 8pm
Wednesday 8am - 8pm
Thursday 8am - 8pm
Friday 8am - 8pm
Saturday 8am - 8pm
Sunday 8am - 8pm

Telephone

0495308515

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pasta Pilipinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category