06/11/2019
madaming makakarelate..๐
โ ๏ธ DRAWTING - NA DRAWING NA OUTING.
๐ Here are the 5 signs na pwedeng drawing na lang ang outing niyo.
1. Mag-decide lang kung saan kakain ng lunch, hirap pa gawin.
โก๏ธ Kung ang simpleng pagdedecide lang kung saan kayo kakain ng lunch e hirap na yung tropahan nyo, wag nyo nang asahang matutuloy pa yang pinaplano nyong outing sa Boracay, Siargao, El Nido Palawan o Samal Island.
2. Hindi makakasama sa lakad yung tropa nyong taga-ayos ng lakad.
โก๏ธ Lahat tayo merong tropa na masipag mag-ayos ng lakad. Sya ang travel agency ng grupo. Sya ang nag-iisang nag-eeffort para lang mag-reunion ang tropahan. Tapos magcacancel sa last minute. Galing!
3. Hindi makakasama yung tropa nyong gusto ng lahat.
โก๏ธ Eto naman yung tropa nyong bangkero. Laging maraming kwento, mahilig magpatawa at masarap kasama. In short, sya lang ang nagbibigay-buhay sa tropahan nyo at kapag hindi sya makakasama sa lakad, hindi nyo na alam kung paano kayo mag-small talk sa isaโt-isa.
4. Hindi naman kayo lahat close.
โก๏ธ Malamang kasi ang mga tropahang ganito, nabuo lang dahil may isang taong gumawa ng group chat. Nakakapanlinlang yan, akala nyo close na kayong lahat dahil sa mga memes. Tapos may magsesend ng picture ng Boracay tapos saba aya TARA BEACH! G, Game ako, Masaya yan, Count me in. Tapos pag nag agree na lahat, dyan na nagwawakas ang group chat na yan. Wala na ulit mag-memessage dyan.
5. Lakad na nabuo dahil tinag ang tropa sa comment.
โก๏ธ Yung tipong may video ng isang drone shot ng isang napakagandang beach sa Iloilo at ang caption ay โPerfect for barkada getaways!โsabay may magta-tag sayo sa comments kasama ang lahat ng tropa nyo, nakalagay pa sa comment โTara punta tayo dito!โ Tapos, surprise! Nakalimutan na.
Di naman masama mag outing basta wag kalimutan na wag umutang kung para sa outing lang.