16/01/2025
~65-year old Manong offered a handskate and told me this...
"Alam mo ba nakinig ako sayo simula umpisa ... Ang ganda nung mga sinabi mo naka-relate ako..."
Nag-officiate pala ako ng renewal of vows kahapon. I got several exps narin naman speaking to couples, doing seminars, preaching scheds, and talking 1on1 with other people in different walks of life pero iba rin talaga pag nasa ganung setting ka tulad kahapon. May kaba-factor na di mo maintindihan haha! Well, bawat pagtayo ko naman talagang andon yung kaba. Sabi nga ni Princess "Kinakabahan ka no? Nauutal ka e. Pero nahabol mo naman agad". So parang ibig nyang sabihin, super kabado ako nung una tapos medyo nakabwelo din agad :))
Ayun, sa mas serious note, bilang happily married for about a decade now, di ko alam kung well experienced na ba akong maituturing pagdating sa buhay mag-asawa. HAHA! Pero isa lang ang sigurado ako - as long as it is a story that really happened, it will be relatable. Tsaka ipon lang tayo ng magagandang moments at experiences with our partner (over the negative ones). Di din kasi natin alam kung hanggang kailan tayo magkasama. Kung may mga pagkakataon mang nakakainis, nakakabadtrip, or what not, i-weigh lang din natin baka naman pwedeng palagpasin nalang para atleast happy-happy, diba? :)
Isa pa, I do believe that everything happens today is a preparation for the big things that will happen in the future. Nakaka-excite lang din talaga kung ano ang mga bagay na paparating. Gusto ko lang din siguraduhin na lahat ng mga bagay na gagawin ko will give glory to the One who deserves it