MH2K Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MH2K, Party Supply & Rental Shop, B12 L2 Ph. 2 Mabuhay Homes 2000, Paliparan 2, Dasmarines.

SETYEMBRE 12, 2023 – MARTESIka-23 Linggo sa Karaniwang PanahonUNANG PAGBASAColosas 2, 6-15Pagbasa mula sa sulat ni Apost...
11/09/2023

SETYEMBRE 12, 2023 – MARTES
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
UNANG PAGBASA
Colosas 2, 6-15
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas
Nang kayo’y binyagan, nalibing kayong kasama ni Kristo at muling nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya. Kayong mga Hentil na dating patay dahil sa kasalanan ay muling binuhay ng Diyos na kasama ni Kristo. Pinatawad niya tayo sa ating mga kasalanan at pinawalang-bisa ang lahat ng kasulatan laban sa atin, pati mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito’y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 1-2. 8-9. 10-11
Tugon: Ang Diyos ay mapagmahal, tana’y pinauunlakan.

Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag,
di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,
aking pupurihi’t pasasalamatan siya araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Tugon: Ang Diyos ay mapagmahal, tana’y pinauunlakan.

Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag,
banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi.
Tugon: Ang Diyos ay mapagmahal, tana’y pinauunlakan.

Magpupuring lahat sa iyo, O P**n, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.
Tugon: Ang Diyos ay mapagmahal, tana’y pinauunlakan.
ALELUYA
Juan 15: 16
Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo upang
mamungang totoo bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 6, 12-19
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil.
Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

AGOSTO 15, 2023 — MARTESDakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Mahal na Birheng MariaUNANG PAGBASAPahayag 11, 19a...
14/08/2023

AGOSTO 15, 2023 — MARTES
Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria
UNANG PAGBASA
Pahayag 11, 19a; 12, 1-6. 10ab
Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag
Nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nakita ang Kaban ng Tipan.
Kasunod nito’y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: isang babaing nararamtan ng araw at nakatuntong sa buwan; ang ulo niya’y may koronang binubuo ng labindalawang bituin. Malapit na siyang manganak kaya’t napasigaw siya sa matinding sakit at hirap.
Isa pang tanda ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito’y may pitong ulo at smapung sungay, at may korona ang bawat ulo. Sinaklot ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos ay tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito’y isilang. At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal. Ang babae naman ay tumakas patungo sa ilang, sa isang dakong inihanda ng Diyos para sa kanya.
At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na ng Mesiyas ang kanyang karapatan!”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 44, 10bk. 11. 12ab. 16
Tugon: Nasa kanan mo ang reyna, maningning sam ginto’t ganda.
Samantalang sa kanan mo nakatayo yaong reyna,
palamuti’y gintong lantay sa damit na suot niya.
O kabiyak nitong hari, ang payo kao’y ulinigin;
ang lahat mong kamag-anak at ang madla ay limutin.
Tugon: Nasa kanan mo ang reyna, maningning sa ginto’t ganda.
Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin;
siya’y iyong Panginoon, marapat na iyong sundin.
Tugon: Nasa kanan mo ang reyna, maningning sa ginto’t ganda.
Sama-samang masasaya, ang lahat ay nagagalak
na pumaasok sa palasyo at sa hari ay humarap.
Tugon: Nasa kanan mo ang reyna, maningning sa ginto’t ganda.
IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 15, 20-27
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid, si Kristo’y muling binuhay bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayun din naman, dumating din ang muling pagkabuhay sa pamamagitan ng isang tao. Sapagkat kung paanong mamamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayun din naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Kristo, ngunit ang bawat isa’y sa kanya-kanyang takdang panahon: Si Kristo ang pinakauna sa lahat; pagkatapos, ang mga kay Kristo sa panahon ng pagparito niya. At darating ang wakas, pagkatapos malupig ni Kristo ang lahat ng kaharian, pamahalaan at kapangyarihan; at ibibigay niya sa Diyos at Ama ang paghahari. Sapagkat si Kristo’y dapat maghari hanggang sa malupig niya at lubusang mapasuko ang kanyang mga kaaway. Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang pasusukuin ay ang kamatayan. Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ang lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng Diyos.”
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Mga Anghel ay masaya
nang iakyat si Maria
sa langit na maligaya.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 1, 39-56
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasasabi sa iyo ng Panginoon!”
At sinabi ni Maria, “Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan —
Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.
Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,
at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.
Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”
Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

AGOSTO 9, 2023 - MIYERKULESIka-18 Linggo sa Karaniwang Panahon UNANG PAGBASAMga Bilang 13, 1-2. 25 – 14, 1. 26-29. 34-35...
09/08/2023

AGOSTO 9, 2023 - MIYERKULES
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon

UNANG PAGBASA
Mga Bilang 13, 1-2. 25 – 14, 1. 26-29. 34-35

Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang
Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Moises sa ilang ng Paran, “Piliin mo ang kinikilalang puno ng bawat lipi at patiktikan mo ang Canaan, ang lupaing ibibigay ko sa inyo.”
Pagkaraan ng apatnapung araw ng paniniktik, umuwi na sila at humarap kina Moises, Aaron at sa buong bayang Israel na natitipon noon sa Paran, Cades. Iniulat nila ang kanilang nakita at ipinakita ang mga uwi nilang bungangkahoy. Ang sabi nila, “Nagpunta kami sa lugar na pinatiktikan ninyo sa amin. Mainam ang lupaing iyon. Saganang-sagana sa lahat ng bagay. Katunayan ang bungangkahoy na kinuha namin doon. Ngunit malalakas ang mga tagaroon. Malalaki ang lungsod at matitibay ang muog. Bukod dito, naroon pa ang lahi ni Anac. Sakop ng mga Amalecita ang Negeb. Ang kataasan ay tinitirhan naman ng mga Heteo, Jebuseo at Amorreo. Ang nasa baybay-dagat naman at Ilog Jordan ay mga Cananeo.”
Pagkatapos nilang magsalita, pinatahimik ni Caleb ang bayan, at kanyang sinabi, “Hindi tayo dapat mag-aksaya ng panahon. Lusubin na natin sila at tiyak na malulupig natin.”
Sumagot ang ibang tiktik, “Hindi natin sila kaya pagkat mas malakas sila sa atin.” Hindi maganda ang kanilang ulat. Ito ang sinabi niya, “Higante ang mga tagaroon at sinumang magtangkang sumakop sa kanila ay lalamunin nila nang buo. Nakita namin doon ang mga Nefilim, ito’y lahi ni Anac buhat sa Nefilim. Halos hanggang tuhod lamang kami.”
Ang buong bayan ng Israel ay nalungkot, at magdamag na nanangis.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 105, 6-7a. 13-14. 21-22. 23

Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain.

Nagkasala kami, tulad ng ginawa ng aming magulang,
ang aming ginawa’y tunay na si tumpak, pawang kasamaan.
Ang magulang namin nang nasa Egipto, hindi alumana
ang kahanga-hangang mga ginawa mong kanilang nakita.
Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain.

Parang ningas-kugon, ang lahat ng ito’y kanilang nilimot,
sariling balangkas ang sinunod nila, hindi ang sa Diyos.
Habang nasa ilang, ang sariling hilig ang siyang sinunod,
sa ilang na iyo’y kinalaban nila’t sinubok ang Diyos.
Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain.

Kanilang nilimot ang Panginoong Diyos, ang Tagapagligtas,
na yaong ginawa doon sa Egipto’y kagila-gilalas.
Sa lupaing iyon ang ginawa niya’y tunay na himala.
Sa Dagat na Tambo yaong nasaksihan ay kahanga-hanga.
Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain.

Ang pasiya ng Diyos sa ginawa nila’y lipulin pagdaka,
agad na dumulog sa P**n, si Moises namagitan siya,
at hindi natuloy yaong kapasiyahan na lipulin sila.
Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain.

ALELUYA
Lucas 7, 16
Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng D’yos sa bayan n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 15, 21-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, nagpunta si Hesus sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon. Lumapit sa kanya ang isang Caneneang naninirahan doon at malakas na sinabi, “Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay inaalihan ng demonyo at masyadong pinahihirapan.” Ngunit gaputok ma’y di tumugon si Hesus. At lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, “Pagbigyan na nga po ninyo at nang umalis. Siya’y nag-iingay at susunud-sunod sa atin.” Sumagot si Hesus, “Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo.” Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod sa harapan at ang sabi, “Tulungan po ninyo ako, Panginoon.” Sumagot si Hesus, “Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.” “Tunay nga po, Panginoon,” tugon ng babae, “Ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon.” Kaya’t sinabi sa kanya ni Hesus, “Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo.” At noon di’y gumaling ang kanyang anak.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Gabriella and Gillian Christening @ Tierra Vista Ayana Phase 1, Langkaan, Dasmariñas, CaviteThank you! 1/22/2023
23/01/2023

Gabriella and Gillian Christening @ Tierra Vista Ayana Phase 1, Langkaan, Dasmariñas, Cavite
Thank you!
1/22/2023

26/11/2022
26/11/2022

Ano bang nangyayari sa PLDT...3 days n walang Internet.

Caribe@ The Island
26/11/2022

Caribe
@ The Island

Casino FilipinoTagaytay
24/11/2022

Casino Filipino
Tagaytay

Solemnity of Christ the King
24/11/2022

Solemnity of Christ the King

Mel's Birthday
16/10/2022

Mel's Birthday

AntiqueMark and Sha wedding
16/10/2022

Antique
Mark and Sha wedding

Wedding @ Lancaster, Imus
16/10/2022

Wedding @ Lancaster, Imus

Happy2 Birthday Rev. Fr. Mario de Leon Kristong Hari Parish Priest Paliparan
16/10/2022

Happy2 Birthday Rev. Fr. Mario de Leon Kristong Hari Parish Priest Paliparan

Address

B12 L2 Ph. 2 Mabuhay Homes 2000, Paliparan 2
Dasmarines
4114

Telephone

09175823042

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MH2K posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Nearby event planning services


Other Party Supply & Rental Shops in Dasmarines

Show All

You may also like