22/05/2024
Banta sa Buhay ni Pastor Apollo Quiboloy
TOTOO BA ANG EXTRAORDINARY RENDITION?
May dahilan si Pastor Apollo C. Quiboloy upang protektahan ang kanyang sariling buhay at kapakanan ng kanyang kongregasyon.
Sa isang panawagan sa publiko noong Abril 6, 2024, ipinaliwanag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, pinuno ng the Kingdom of Jesus Christ kung bakit siya ay nagpasya na manindigan para sa kanyang karapatang pantao, protektahan ang sariling buhay, gayundin ang kaligtasan ng kanyang kongregasyon.
Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source ng impormasyon, nakipagsabwatan umano ang administrasyong Marcos na ibigay siya sa gobyerno ng Estados Unidos dahil sa nakabinbing kaso nito laban kay Pastor Quiboloy.
Ngunit sa halip na extradition, kung saan legal na iturnover ng pamahalaan si Pastor Quiboloy sa Estados Unidos, ang gagawin na lamang sa kanya ay EXTRAORDINARY RENDITION, kung saan siya ay maaring i-assassinate, kidnapin at dadalhin sa isang lugar o lokasyon na hindi matukoy upang siya ay ikulong, i-torture at posibleng, patayin.
Ano nga ba ang Extraordinary Rendition?
Sa ilalim ng Extraordinary Rendition Program, ang isang tao ay dinudukot na may pahintulot ng gobyerno ng isang bansa, at dinadala sa ibang bansa sa isang sikretong lokasyon. Doon, walang katiyakan ang kanyang detensyon, dadaan siya sa mapang-abusong interogasyon at tortyur na hindi naaayon sa normal na legal na sistema.
Walang proteksyon ng batas ang mga nagiging target ng extraordinary rendition at sinuspinde ang kanyang mga karapatang pantao. Sikreto ang operasyong ito at wala itong bakas na iniiwan.
Ang Extraordinary Rendition ay isang bahagi ng "digmaan laban sa terorismo" ng America, kung saan ang "mga high-value target" ay itinalaga ng CIA o ang Central Intelligence Agency. Hindi lamang nito pinupuntirya ang mga pinaghihinalaang terorista, kundi ang lahat ng itinuturing na labag sa interes ng US.
Ang paggamit ng extraordinary rendition ay lumaganap pagkatapos ng pag-atake sa World Trade Center sa New York noong Setyembre 11, 2001, nang ang CIA ay nakipagtulungan sa higit sa 50 na mga pamahalaan upang bumuo ng lihim na extraordinary rendition at detensyon na programa na may layuning protektahan ang Amerika mula sa mga kaaway nito.
Noong Setyembre 17, 2001, nilagdaan ni Pangulong George W. Bush ang isang classified Presidential Memorandum of Notice na nagbibigay ng awtoridad sa CIA na i-detalye ang mga suspek na terorista at mag-set up ng mga patagong detention facilities (kilala bilang "black site") sa labas ng US kung saan maaari itong gumamit ng matinding interrogation techniquest para sa mga "high-value detainees.”
Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang paggamit ng extraordinary rendition laban sa mga itinuturing na banta laban sa kanilang pambansang seguridad.
Ayon sa isang ulat noong 2018, ang Secret Intelligence Service ng United Kingdom, na tinaguriang MI6, ay nakipagtulungan sa napakaraming rendisyon na isinagawa ng U.S. sa pamamagitan ng pagtulong na pondohan ang mga ito, pagbibigay ng intelligence at pagpayag na ganapin ang pagdukot.
Ayon din sa ulat noong Enero 6, 2022 ng Watson Institute of International and Public Affairs sa Brown University, patuloy ang pagkulong ng 39 sa halos 800 Muslim na kalalakihan at dinala sa Guantanamo naval base ng Estados Unidos mula 2002 hanggang 2008. Dalawampu't pito sa mga natitira ay hindi kailanman sinampahan ng kaso.
Ang limang bilanggo na inakusahan ng pagplano ng 9/11 na pag-atake ay hindi pa dinadaan sa paglilitis.
Mas hi-tech at mapanganib na ngayon ang diskarte sa Extraordinary Rendition. Direcho nang pinapatay ang mga target imbis na dukutin, gamit ang mga hi-tech na mga drones na kinokontrol daan-daang milya ang layo.
Kaya't hindi kataka-taka kung bakit kailangang manindigan si Pastor Apollo Quiboloy para protektahan ang kanyang buhay at ang kapakanan ng kanyang kongregasyon.