01/04/2024
💯✔️
Follow The Wedding Tip Sheet by Darlene Tan - Salazar
Real Scenario 1: Hindi naging maayos ang ilang facets ng wedding kasi kahit nagbigay ng suggestions ang coordinator regarding possible suppliers, nag decide ang couple not to consider the suggestions. Ok yan if yung nakuha mag perform according to expectations. Pero pag hindi maayos even if the coordinator tried to help na, hindi na yan fault ng coordinator.
Real scenario 2: Nagsabi ang coordinator regarding the need for preps and crew meals and nagbigay ng maayos na suggestions pero...
a) nag decide ang couple sa iba kumuha or magpaluto sa kakilala tapos late or di palatable ang food
b) nag decide ang couple na ok to order for suppliers kasi nasa contract pero ang ento & family sa preps, kanya kanyang kain na lang
Hindi na yan fault ng coordinator.
Real scenario 3: Nag suggest na ang coordinator na kailangan ng actual food for cocktail time, pero ang couple nag decide na nuts and chips lang ang to be served kahit mahaba ang post nup shoot. Then, kahit pinuputol na ng coord yung pictorial, ayaw pumayag ng couple. So may guests na nagalit dahil gutom na and ang tagal ng pictorial. Fault pa ba ng coordinator? Hindi na.
So couples, if you hired efficient coordinators, wag niyong sayangin yung level of experience nila by giving the 👎 sa mga suggestions nila without carefully considering them first. If nag research kayo before hiring your coordinator, then trust the coordianator to have your best interests in mind. Walang maayos na coordinator na magsusuggest ng mga bagay na makakasira sa wedding experience ng guests at ng couple.