28/07/2015
The Wedding Tip Sheet
Coordination and Styling is not an easy task.
May nagtanong: pano daw ba malalaman if "too good to be true" ang presyo ng isang wedding service?
Simple lang ang sagot: mag compute tayo. Below are examples.
Sa isang coordinating team, may 5 hanggang 8 miyembro. Magtatrabaho sila ng 12 to 14 hours. Hindi simple ang trabaho ng mga leader dahil sila ang mag troubleshoot, sila din ang magpapatupad ng mga plano. May transportation cost pa kasi pupunta sa meetings, preps, ceremony at reception. May printing cost din para sa mga copies ng mga mahalagang checklist, program, etc.
Sa styling... Mahal ang mga gamit, mahal ang bulaklak, mahal ang transport, marami kadalasan ang tauhan kasi 3 hours lang ang usual set-up time.
Sa photo and video, mahal ang equipment, mas lalong mahal ang talent at training ng editor, shooters, etc. May transport cost din. Naka suit or semi-formal attire pa kadalasan.
Sa catering... Gusto mo nalalasahan mo yung ingredients. Pero maliit lang ang budget. Medyo hindi tugma kasi yung ingredients may cost yun, kung smaller yung budget, mas may extenders and flour yung viands. Try mo magluto, compute the cost. Add the cost of transport, well trained waiters, and equipment.
Sa emcee, hindi naman bastang napupulot ang class, ang galing sa grammar pag nagsasalita ng Ingles at ang abilidad na magpahaba ng programa para sa lahat ng technical difficulties na pwedeng mangyari. Dagdag mo pa yung mga araw na kailangan maging Coord din ng emcee kasi nawawala yung Coord na kinuha or hindi na alam ang gagawin.
Sa sounds and lights at projector, bukod sa equipment cost, isama ang cost ng training. Tandaan ang magandang photo at video nasisira dahil sa maling ilaw, ang touching na SDE Hindi kasing touching pag yellow or blue lahat kayo or malabo lahat ng images.
Sigurado medyo na-compute mo na ngayon kung ano ang makatarungan na fee. Mas makakatulog ka na ng mahimbing niyan dahil walang wedding nightmares na gigising sayo.