28/05/2021
SO HOW’S YOUR S*X LIFE?
Yan ang unang tanong na bumulaga samin nung nagpa-marriage counselling kam ni Mark last year.
Medyo na-disorient ako ng slight to be honest kasi di ko makita masyado yung konek ng s*x life naming mag-asawa sa growth ng marriage namin.
Kung tatanungin kita ngayon Bes, anong sagot mo sa tanong na...
“So how’s your s*x life?”
A. Pag may okasyon lang
B. Matumal
C. Ano yun?
D. Next question please
Aminin natin, mula ng nagka-anak tayo isa siguro ito sa mga naisantabi natin. Kumbaga natambak na sa bodega ang mga s*x drive natin, naagiwan na at halos gusto na natin i-declutter 😂
Dumating din kami sa point ng marriage namin ni Mark na tumumal and we don’t mind. Hindi kami bothered kumbaga.
Hanggang sa nabili ko yung book ni Dennis and Thammie Sy about GREAT S*X at dun nag-iba ang perspective ko pagdating sa s*x.
3 IMPORTANT TRUTHS MUNA ABOUT S*X
1. S*x is a gift from GOD. He created and designed it. S*x within the bounds of marriage is great. It pleases and honors the Lord.
2. S*x outside marriage is sin.
3. S*x is the central task of marriage.
Yung first two points alam na alam ko na yan and I hope clear din yan sa bawat isa satin. Pero yung pangatlo medyo nagitla ako dyan. 😅
Ladies and gentlemen, hindi ito yung basta kayo mag-ses*x dahil kailangan.
Sa 7 years na pagsasama namin ni Mark ito ang 7 important realizations and learnings ko about s*x:
1. S*X IS A WHOLE DAY AFFAIR — Kailangan ma-set ang mood ng bawat isa para masiguro ang great s*x. Lambingan, speaking each others love language (quality time, acts of service, physical touch, receiving gifts, words of affirmation), mapang-engganyong text or chat message at kung ano-ano. Kung baga, dapat i-build up ito at climax nalang ang s*x. Cherry on top ang datingan!
2. BALEWALA ANG POSITIONS KUNG MAY UNRESOLVED ISSUES — kahit gaano tayo ka-expert sa mga positions kung may mga issues tayong mag-asawa na di pa naaayos, we can’t expect great s*x to happen. Men remember, women are emotional beings, kung may mga dinaramdam yan, asahan mong walang gana yan. So upuan muna ang mga issues bago mahiga 😅
3. S*X STARTS IN THE KITCHEN — May aaminin ako sa inyo, nabuo namin si Hope sa kitchen. 😂 Nakakaantig kasi ng puso kapag yung mga asawa natin pinaglilingkuran tayo diba? Nakakakilig din when you do things together (like paghuhugas ng pinggan) at pareho nyo ding na-eenjoy. Hindi naman basta-basta nangyayari ang s*x. Lalo na pag consumed tayo ng maraming bagay, kaya need talaga nating maghanap ng konek sa isa’t-isa, kahit gawaing bahay pa yan.
4. PLEASE LANG, IHIWALAY NA SILA NG HIGAAN — Co-sleeping kami for the longest time. Nung nalaman naming mahalaga ang s*x sa marriage, we decided na its high time na ilipat na ng higaan ang mga bagets (5yrs old na si Faith and 3yrs old na si Hope). Kasama parin namin sila sa room pero not same bed na. Mahalaga samin na makatabi ang mga anak namin pero . We need this change para mas mag-thrive pa ang pagsasama namin.
5. ALARM IS THE KEY — You make time for things that matters to you. When we realized that s*x is vital in our marriage, we need to make a concious effort for it. Kasi sa totoo lang, paglipas ng panahon, hindi na sya automatic di gaya noong honeymoon season pa. At dahil dumating sa point na consumed kami ng maraming bagay, nag-seset kami ng alarm to remind ourselves of this important affair that we need to attend to. We need to be intentional about it!
6. S*X IS JUST A FRUIT OF INTIMACY — We can’t force s*x to happen. Actually bunga lang talaga sya ng intimacy ng mag-asawa. Kaya sa totoo lang, hindi talaga s*x ang goal e, intimacy. We need to work hard para ma-achieve natin ang intimacy at alam ko you will all agree na effort talaga ito. Pero katulad ng kahit anong prutas, kailangan mo talaga magtanim, mag-alaga at mag-effort bago mo ma-enjoy ang bunga ng isang puno.
7. S*X IS GOD’S GIFT, BUT IT IS NOT GOD — S*x is good and it is important for married couples BUT let us not chase the gift, instead, chase the Giver! Nakakalungkot na ang culture natin ay unti-unting pinagpalit ang Dios sa empty promises ng s*x and lust. Wag nating hanapin ang satisfaction, fulfillment and completeness natin sa s*x or even sa sarili nating marriage, kasi mabibigo lang tayo. Only GOD can give us life and the fulfillment we’ve been longing for.
Great s*x only happens on great marriage. And great marriage is only possible when GOD is the center. When we make JESUS the King and Lord of our lives hindi lang basta great s*x ang mapapala natin, kundi great marriages, great families, great lives!
Para sa mas madami pang makabuluhang USAPANG MAG-ASAWA like this, you can purchase The digital copy of our FAQ Series: Usapang Mag-Asawa for only P200.
We’ve answered 20 frequently asked questions na siguradong natanong nyo na sa sarili nyo 😍😂 Super relatable ito mga Bes!
*x