21/09/2024
Kitakits po ulit tayo mga ka- GEDLI 🫰🏻🫰🏻🫰🏻
Booth # 28
Sa ikatlong taon ng ‘Kainan sa Gedli,’ inaanyayahan namin ang mga lokal na negosyo at kainan na may business permit na makiisa sa Kasinagan Festival, na gaganapin mula Oktubre 2 hanggang Oktubre 5! Ipakita ang inyong mga natatanging putahe na maipagmamalaki ng bayan ng Pilar. Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng isang tradisyon na nagpapakita ng ating yaman sa pagkain at kultura. Para sa mga nais sumali, makipag-ugnayan sa ating Licensing Office o sa Window 6 para mag-fill up ng form. Tara na’t ipakita ang inyong galing!