24/11/2024
𝐒𝐈 𝐇𝐄𝐒𝐔𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐑𝐈 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋: 𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐍𝐈 𝐁𝐈𝐒𝐇𝐎𝐏 𝐆𝐀𝐀, 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐑𝐈. (Ulat ni Jun Magtagnob)
Sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Panginoon, Ang Hari ng Sanlibutan, nagbigay ng mensahe at pagninilay ang Lubos na Kagalang-galang Roberto O. Gaa, D.D., Obispo ng Novaliches, kanina sa Parokya ng Kristo Hari, na nagpapaalala ng dalawang pangunahing imahe ng ating Hari.
“𝘕𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘱𝘰 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘴𝘢, 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘮𝘢𝘩𝘦 𝘯𝘨 𝘒𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘏𝘢𝘳𝘪. 𝘈𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘮𝘢𝘩𝘦 𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘒𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘏𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘯𝘢𝘢𝘯—𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘣𝘢𝘺𝘶𝘣𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘒𝘳𝘶𝘴. 𝘈𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘣𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯, 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘳𝘮𝘢𝘴, 𝘰 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘵𝘢𝘴, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭,” pahayag ni Bishop Gaa.
𝘐𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘒𝘳𝘶𝘴 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘮𝘣𝘰𝘭𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴—𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘶𝘩𝘢𝘯. “𝘈𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘮𝘢𝘩𝘦 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘪 𝘒𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘰 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘬𝘳𝘪𝘱𝘪𝘴𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘶𝘮𝘢𝘢𝘣𝘰𝘵 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯,” dagdag pa niya.
Ipinunto rin ng Obispo ang ikalawang imahe—ang Kristong Hari na darating sa kaluwalhatian sa wakas ng panahon. Sa Kanyang muling pagdating, Siya ang maghihiwalay sa mabubuti at masasama, itinataguyod ang katarungan ng Diyos. “𝘚𝘢 𝘩𝘶𝘭𝘪, 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘶𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘣𝘢 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭,” ani Bishop Gaa.
Kasabay ng pagdiriwang, binasbasan din ni Bishop Gaa ang ilang bahagi ng Dambana at Parokya ng Kristong Hari bilang bahagi ng selebrasyon ng Kapistahan. Ang pagpapala ay sumasalamin sa patuloy na biyaya ng Diyos at pagmamahal na nagbuklod sa mga mananampalataya upang maitayo ang sambahan.
Nagbigay din siya ng pasasalamat at pagninilay tungkol sa pagtatayo ng mga simbahan, partikular ang ginawang pagsisikap para sa kanilang sariling simbahan. “𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘵𝘪𝘨𝘯𝘢𝘯 𝘱𝘰 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘮𝘣𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢𝘪𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘣𝘶𝘯𝘨𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭—𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘪𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢’𝘵 𝘪𝘴𝘢,” pagbibigay-diin niya.
Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si Rev. Fr. Roland P. Jaluag, Rektor at Kura Paroko ng Dambana at Parokya ng Kristong Hari, sa lahat ng tumulong at nakiisa sa Dakilang Kapistahan ng kanilang Parokya. Ayon sa kanya, ang tagumpay ng selebrasyong ito ay hindi lamang bunga ng mga pagsisikap ng iilan, kundi ng pagkakaisa ng buong komunidad ng mga mananampalataya.
Ang homiliya ay nagtapos sa paanyaya na patuloy na maging saksi sa paghahari ng Diyos sa ating buhay sa pamamagitan ng pagmamahal at pagkakaisa. “𝘓𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝘈𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘴𝘪𝘮𝘣𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘣𝘶𝘯𝘨𝘢 𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘨𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯,” saad ni Bishop Gaa.
Sa pagtatapos, nagpahayag ng pagbati si Bishop Gaa, “𝘏𝘢𝘱𝘱𝘺 𝘧𝘪𝘦𝘴𝘵𝘢 𝘱𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵, 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘸𝘢’𝘺 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘯𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺. 𝘎𝘰𝘥 𝘣𝘭𝘦𝘴𝘴 𝘱𝘰!”
Ang Kapistahan ng Kristong Hari ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat isa na kilalanin ang tunay na kahulugan ng paghahari—isang paghaharing nakaugat sa pagmamahal, kababaang-loob, at paglilingkod.