18/09/2023
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=292942680154053&id=100083149691667&mibextid=CDWPTG
’HINDI PO KASI NATATAWARAN ‘YUNG TALENT’
Iyan ang ibinahagi ng TV personality na si Vice Ganda sa isang interview ng Angkas CEO na si George Royeca, sa vlog series nitong “PasaHero with Mister Angkas.”
Sa naturang vlog, napag-usapan nila ang mga early days ni Vice sa pagiging singer at komedyante.
“You were talking about you being your own manager. I want to bring up something that’s very Filipino, and I wanna get your thoughts on it. ’Yung hiya, ’di ba, kaya ka may manager is minsan yung talent, nahihiya presyuhan yung sarili niya eh. […] Ano yung mindset mo do’n?” tanong ni George kay Vice.
“[…] Totoo ’yun eh, yung abutan ng pera, nakakababa ’yun ng pagiging artist mo kapag binibilangan ka ng talent fee at tyaka ’yung tinatawaran ka,” wika ni Vice.
“Dati meron akong raket na hindi ko nakuha kasi maldita daw ako, sabi nilang ganon. Kasi tinanong ako, ‘magkano ka ba sa raket, 2 hour show.’ Ganyan. Sabi ko, ‘ah ano po, P15,000.’ Tas sabi, ‘ay pwede bang tumawad?’ [Sabi ko], ’ay hindi po kasi natatawaran kasi ‘yung talent’,” kwento niya.
“Kasi ang pwede mo tawaran [ay] ’yung oras, iiksian natin yung oras, pero ’yung talent, hindi mo pwede tawaran,” pagpapatuloy niya pa.
“So pag binayaran mo ba ako ng P5,000, babawasan ko yung jokes ko? Pag binawasan mo ba ako ng P5,000, ninipisan ko lang yung blush-on ko? It’s the same level of fun, it’s the same jokes, it’s the same level of beauty ang ibibigay ko sa inyo, so hindi niyo pwedeng tawaran,” paliwanag niya pa. (YouTube/George Royeca)