22/05/2022
Ano nga bang iniexpect mo sa CIASI/SAMAHANG ILOKANO.
Kami po ay isang kapatiran, Kung binabalak mong sumali sa amin mag isip ka muna kung anong mapapala mo sa amin, dahil masasaktan ka na nga, dadami pa obligasyon mo...
Kung sasali ka sa amin wag mong iexpect na magiging RESBAK mo kami pag may trouble ka, hindi kami GANGSTER, Ang pag aaway ay mahigpit na ipinagbabawal ng CIASI/SAMAHANG ILOKANO SA Mga kaanib nito, Kung ano ang turo ng mga magulang at g**o mo sayo, GANUN DIN ANG TURO NG CIASI/SAMAHANG ILOKANO.
Kung Dati wala kang disiplina at hindi ka natatakot sa mga magulang mo, pwes ang CIASI ang mag dedesiplina sayo, tignan lang natin yang tigas ng ulo mo.
Kung may problema ka, kaya ka naming tulungan sa abot ng aming makakaya.
Kung sasali ka sa amin dahil gusto mong KATAKUTAN KA DAHIL MEMBER KA NG FRAT, nagkakamali ka diyan, pag member ka ng CIASI bawal lumaki ulo mo, lagi kang maging HUMBLE DAPAT kahit kanino, at kung gusto mo lang ipagyabang na member ka ng frat wag ka nalang sumali, dahil ang kapatiran namin hindi dapat ipinagmamayabang kundi ipinagmamalaki, bawal ang MAYABANG sa CIASI, kahit na ANG SAMA ng paningin sa amin ng iba, hindi lang namin iniintindi bagkus mas gumagawa pa kami ng mga kung anong pweding itulong sa kumunidad ng walang hinihinging kapalit.
Ang pagsali dito sa kapatiran namin ay kusang loob, at hindi dahil gusto mong magyabang, at gusto mo lang sumunod sa uso mali po yun,dapat sasali ka dito ng dahil gusto mong kahit papano makatulong sa kumunidad, maka pakain sa mga batang lansangan, maka bigay ng tubig at pagkain sa mga taong pumupunta sa sementeryo tuwing undas, makatulong sa mga batang gusto nang maging binata(matuli),maka donate ng dugo sa mga nangangailangan at marami pang iba dahil alam kong alam mong hindi kaya ng isang tingting LANG maglinis ng DUMI.
Alam kong masama talaga kami sa mata ng ibang tao, pero alam naming sa mata ng Diyos, alam niya kung ano nga ba ang totoo.
Kung sasali ka sa CIASI/SAMAHANG ILOKANO kailangan mong paglingkuran ang DIYOS, ANG BANSA MO, PAMILYA MO, PAARALAN MO, at ang KAPATIRAN MO.
ang CIASI/SAMAHANG ILOKANO ay hindi po gangster, lalong hindi sindikato, Kami po ay isang HUMANITARIAN FRATERNITY/SORORITY...
We LIVE WE DIE AS AN S.Iπ€
AGBIAG TI CIASI61892π€
β€π