
25/03/2025
NARITO NA!
Ang opisyal na LOGO ng Kariapay Festival! Sa disenyo ni Alex Lopez at pagkukulay ni Jec Ferrer ay makikita ang mga simbolo ng selebrasyon na nagpapakilala kung ano ang ipinagmamalaki ng Brgy. Dulong Bayan.
Ang Barangay Dulong Bayan ay tinatawag na Sitio Kariapay noong panahon ng mga Kastila. Isang sitio ng noo'y Pueblo de San Jose (Poblacion) na mas kilala bilang Bayan. Hinango ang pangalan ng lugar sa isang sayaw na gumagamit ng pamaypay na kadalasang sinasayaw ng mga taga rito. Nakilala din ang lugar dahil sa Teatro Kariapay na sikat sa kanilang pagtatanghal ng balitaw at sarswela (zarzuela).
Matatagpuan sa Brgy. Dulong Bayan ang mga pamilyang nagsimula ng mga kubo restaurants sa San Jose del Monte, na nagluluto ng Valenciana ala Kariapay. Naging tanyag ang produktong ito na madalas kinakain ng mga pamilyang nagsisimba tuwing Lingo, kumalat din ang kubo restaurants sa buong Lungsod na nagbigay ng trabaho at kabuhayan.
Naipatayo ang Visita rito sa ilalim ng Parokya ni San Jose. Sinasabi sa ilang kwento na natagpuan sa ilog ng Kariapay (Kaytutong River) ang image ng Sto. Cristo kaya ito na rin ang naging Patron sa sitio.
Noong 1957 naman ay binago ang tawag sa Sitio. Tinawag itong Dulong Bayan, dahil ito ang dulo ng bayan o Poblacion.