26/02/2022
Ang Aking Mayor Pedro Peter C. Bucal #2 Sa Balota. May Talino at Galing. Lehitimong taga Magdalena. Noon hanggang sa Ngayon,
Bucal ang puso na naglilingkod.. Subok na ng panahon at Sya'ng Tunay na may kakayanan na maging Ama ng Bayan - MAYOR Pedro Peter C. Bucal 💚💚💚 Para sa Serbisyong Pangmatagalan.
𝐌𝐀𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐄𝐍𝐀!
Bilang isang lingkod bayan na may halos labing-limang taong karanasan pagdating sa serbisyo publiko, akin na pong nakita ang iba't-ibang pangangailangan ng bawat mamamayan. Kasabay po nito ay ang ating patuloy na pagtugon at pagbibigay ng agaran, epektibo, at pang-matagalang aksyon. Ako si Vice MAYOR Pedro "Peter" C. Bucal, kasama ang buong grupo ng PETERcaretodoMAX ay nangangakong patuloy ninyong kasama sa bawat pagsuong sa mga hamon ng buhay, kaisa ninyo sa pag-abot ng mga magagandang layunin, at palaging nasa inyong lingkuran nakahanda kayong gabayan upang makamtam ang ating inaasam-asam na katagumpayan para sa lahat.
At lalong higit ay ang hangarin na masusing hanapin ang mga pangangalingan ng ating mga kababayan at ang alamin kung anu-ano ang mga pagkukulang ng pamahalan sa ating mga kababayan, nang ito ay magawaran ng isang kongkretong solusyon. Muli, ako po ay nagpapa-abot sa inyo ng walang hanggang pasasalamat para sa pagmamahal at suporta. Palagi nawa tayong gabayan, at pag-ingatan ng Panginoon para sa pag-SULONG ng ating mahal na BAYAN NG MAGDALENA!