
14/02/2025
9 WEDDING ETIQUETTE FOR WEDDING GUESTS ๐
Kung invited ka sa isang kasal ngayong 2025, here are some reminders para hindi ka maging pasaway na wedding guest:
1. Mag-RSVP
Kung may RSVP card o online form, sagutan agad. Magsabi agad sa couple kung makakapunta o hindi sa kasla nila para maisama ka sa official wedding guest list nila. Huwag hintayin ang last minute bago mag-confirm.
2. Huwag Magdala ng Uninvited Guests
Kung walang naka-indicate na โ+1โ sa invitation na natanggap mo, ibig sabihin, ikaw lang ang invited. Huwag magdala ng plus one o buong pamilya nang walang approval ng couple.
3. Sumunod sa Dress Code
Kung may color theme o formal dress code, sundin ito. Huwag magpapakita sa kasal na naka-white (unless sinabi ng couple) o naka-pambahay lang kung formal ang event nila.
4. Iwasang Maging Late
Dumating on time, lalo na kung church wedding โyan. Mas nakakahiya kung ikaw pa ang dahilan ng interruption sa ceremony o ikaw pa ang tatawid tawid sa aisle habang ongoing na ang ceremony.
5. Huwag Agawan ng Trabaho ang mga โProfessional Photographer/Videographerโ
Kung hindi ka official photographer/videographer, โwag mong harangan ang view para lang sa sarili mong shots. Iwasang mag-selfie or mag-live sa gitna ng ceremony. Hayaan mo na ang official photographers/videographers gawin ang trabaho nila.
6. Huwag Mag-Eat and Run
Maghintay hanggang matapos ang Reception program bago umalis.
7. Huwag Mag-Sharon Agad Agad
Huwag basta-basta mag-Sharon ng pagkain lalo na kung nakikita mong may nakapila pa sa buffet area at meron pang hindi nakakakain.
8. Huwag Agawan ng Moment ang Bride at Groom
Kung walang permission mula sa couple, huwag ka sanang biglang mag-propose or mag-announce ng pregnancy sa wedding day nila. Lahat ng bagay sa kasal nila ay nakaschedule at naka organize, yung mga suppliers ay bayad ang oras nila kaya huwag ka sanang magplano ng mga bagay na hindi alam ng couple. Dagdag bayad yan kapag nag overtime.
9. Congratulations and Best wishes ang Sasabihin
I-celebrate ang love ng couple, makisama sa guests, at maging respectful sa lahat ng nasa event. Huwag magsalita ng hindi maganda o yung mga bagay na alam mong ikakasama ng loob ng couple. Good vibes lang tayo!
Mahalaga ang kasal para sa couple, kaya bilang guest, gawin mo rin ang part mo para maging smooth at masaya ang event na ito. โฅ๏ธ