Sherjoy Coordinator

Sherjoy Coordinator Sherjoy Coordinator is a group of OTD Coordinators who are willing to assist you.
(29)

24/11/2024
November 16, 2024INC WEDDING ๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡นLokal ng Pasay, MakatiOtd Coordinator
16/11/2024

November 16, 2024
INC WEDDING ๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡น
Lokal ng Pasay, Makati
Otd Coordinator

Host and Otd Coordinator for Myekiel's Event Management & Services โ˜บ๏ธ Thank you Mam Nice Myleen Secapuri Sadorra-Santiag...
11/11/2024

Host and Otd Coordinator for Myekiel's Event Management & Services โ˜บ๏ธ Thank you Mam Nice Myleen Secapuri Sadorra-Santiago sa tiwala na kaya ko.. ๐Ÿฅฐ๐Ÿ˜

๐Ÿ“ธ: 1Q84

๐Ÿ“ธ: 1Q84
08/11/2024

๐Ÿ“ธ: 1Q84

๐Ÿ“ธ: MLA Production
22/10/2024

๐Ÿ“ธ: MLA Production

๐Ÿ“ธ: PrimeShots PhotoVideo
22/10/2024

๐Ÿ“ธ: PrimeShots PhotoVideo

Hindi naging madali pero sa tulong at habag ng Panginoong Diyos naipagtagumpay! ๐ŸŒปIt wasn't an easy ride but my heart is ...
03/10/2024

Hindi naging madali pero sa tulong at habag ng Panginoong Diyos naipagtagumpay! ๐ŸŒป

It wasn't an easy ride but my heart is full of gratitude and joy because finally, today, I graduate! โœจ๏ธ

Along my college journey, I'm lucky to meet amazing people and more importantly to be part of SC Angels ๐ŸŒผ At first, I just want to genuinely try it because I'm curious about it. Little did I know, I'm already enjoying it. Thank you so much, SC Angels! โค๏ธ

KRISTAL JOY ANDRES
MAGNA CUM LAUDE
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOY IN MATHEMATICS

"๐’๐Ž๐‹๐„๐Œ๐ ๐š๐ง๐ ๐’๐€๐‚๐‘๐„๐ƒ ๐–๐„๐ƒ๐ƒ๐ˆ๐๐†"4 days ago, nakaattend ako ng very solemn wedding.It's an INC wedding.Actually, hindi lang ba...
29/09/2024

"๐’๐Ž๐‹๐„๐Œ๐ ๐š๐ง๐ ๐’๐€๐‚๐‘๐„๐ƒ ๐–๐„๐ƒ๐ƒ๐ˆ๐๐†"

4 days ago, nakaattend ako ng very solemn wedding.

It's an INC wedding.

Actually, hindi lang basta attend, naging abay ako for my friend.

And dito ko naramdaman na possible naman pala talaga yung kasal na walang mga cellphones or yung may palakad lakad. Naalala ko kasi nung kasal namin meron pa ngang photographer na hindi ko kilala at kuha ng kuha ng pictures tapos maya maya may printed copy na binebenta.

Sa mga posts ko about wedding etiquettes palaging may nagsasabi na imposible daw yun lalo sa mga Pinoy.

Pero sa INC wedding na napuntahan ko, Pinoy naman lahat kami dun. At nasunod yung Unplugged Wedding hanggang matapos ang kasal pati on time nagstart ang kasal.

Sobrang disiplina nila at meron pa kaming practice a day before ng kasal. At paulit ulit sa reminders na igalang ang kapilya, bawal din ang wacky pictures.

Hindi ako INC. I was raised as a Born-Again Christian, and I got married sa Catholic church.

Pero dito ko narealize na possible ang solemn at sacred wedding sa mga Pinoy. โค๏ธ

Repost Ctto - The Budgetarian Bride-

PS: Mga kapatid po kami repost lang po Yung caption sa budgetarian bride

Ang Kasal sa Loob ng Iglesia Ni Cristo - INC Wedding ๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡น

๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐‹๐จ๐จ๐› ๐ง๐  ๐ˆ๐ ๐ฅ๐ž๐ฌ๐ข๐š ๐๐ข ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ โ™ฅ๏ธANG DAPAT AY MAGING TAPAT SA ASAWANG MINAMAHAL, AT ANG TANGI MONG PAG-IBIG...
25/09/2024

๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐‹๐จ๐จ๐› ๐ง๐  ๐ˆ๐ ๐ฅ๐ž๐ฌ๐ข๐š ๐๐ข ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ โ™ฅ๏ธ

ANG DAPAT AY MAGING TAPAT SA ASAWANG MINAMAHAL, AT ANG TANGI MONG PAG-IBIG, IUKOL SA KANIYA LAMANG [Kawikaan 5:15]

" Ang pinapagsama nga ng Diyos ay huwag papaghiwalayin ng tao." (Mat. 19:6)

Itinuro ito ng Panginoong Jesucristo batay sa aral at tuntunin ng Diyos ukol sa lalake at babae na ikinakasal upang sila'y magsama bilang mag-asawa. Subalit ito ay tila baga nawalan na ng kabuluhan ng maraming mag-asawa ng sanlibutan. Kaya nakasusumpong tayong mag-asawa na humahantong sa paghihiwalay( Broken marriages ) na nagiging dahilan ng mga wasak na tahanan( Broken homes )

Ang mga mag-asawa na lingkod ng Diyos ay hindi dapat humantong sa ganitong mapait na karanasan. Upang manatiling matatag at maligaya ang pagsasama ng mag-asawa ay dapat nilang matupad sa buhay nila ang panukala ng Diyos sa mag-asawa.

Kaya ano ang panukala ng Diyos sa paglalang ng pag-aasawa?

" Hindi mabuti na ang lalake ay mag-isa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong niya." (Gen. 2:18)

Pinanukala ng Diyos na ang lalake ay magkaroon ng makakasama o makakatuwang upang magtulungan at magdamayan sila sa isa't isa na siyang landas ng matatag at maligayang pagsasama. Dapat ding maunawaan ng mga ikinakasal na ang kasal ay tipanang panghabambuhay. Sinabi ni Apostol Pablo:

" Sapagka't ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa." (Roma 7:2).

Sa seremonya ng kasal, ang ikakasal ay kapuwa manunumpa na sila'y nagmamahalan at tutuparin ang kautusan ng Diyos; sa hirap at ginhawa sila ay magsasama hanggang sa sila'y papaghiwalayin ng kamatayan( till death do them part )

Ang tungkulin ng lalake
Sinabi ni Apostol Pablo:

" Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila." (Col. 3:19)

Ang tagubiling ito ang sinusumpaang gaganapin ng lalaking ikinakasal. Siya ay nangangako sa Diyos at sa harap ng kaniyang mga saksi na ang babaing kaniyang pinakasalan lamang ang kaniyang tanging iibigin. Akay ng banal na takot sa Diyos , ni hindi niya dapat sirain ang sumpaang ito. Ang Biblia ay nagbabala:

" Huwag ninyong ibigin ang sinungaling na sumpa: sapagka't ang lahat na ito ay mga bagay na aking kinapopootan, sabi ng Panginoon."(Zak. 8:17)

Lubhang mahalaga ang basbas ng Panginoon para maging matatag at maligaya ang pagsasama ng mag-asawa. Upang matamo ng mag-asawa ang basbas ng Panginoon sa kanilang pagsasama, dapat tuparin ng lalake ang sinumpaan niyang pangako na iibigin niya ang kaniyang asawa. Nararapat lamang na ibigin ng lalake ang kaniyang asawa sapagkat ang babae ay hindi na iba sa kaniya. Nagmula siya sa lalake sapagkat sa lalake siya kinuha.

" At hinulugan ng Panginong Diyos ng di kawasang himbing ang lalake, at siya'y natulog: at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon: At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Diyos sa lalake ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalake. At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha. Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyangasawa: at sila'y magiging isang laman." (Gen. 2:21-24).

Ang unang taong si Adan ay nagsabi na ang babae " ay buto ng aking mga buto at laman ng aking laman." Kaya nga itinuro ni Apostol Pablo na ang lalake na umiibig sa asawa ay umiibig sa sariling katawan, at " walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan "(Efe. 5:29).

Kaya, hindi matuwid na kapootan ni saktan ng lalake ang kaniyang asawa. Itinatagubilin pa ni Apostol Pablo na, " huwag kayong maging mapait sa kanila."
Mapait at mahirap tanggapin ng isang lalake kung matuklasan niya na ang kaniyang asawa ay nakikiapid sa ibang lalake. Kaya hindi rin dapat gawin ng lalake ang makiapid sa ibang babae sapagkat ito ay magiging mapait at magiging lason sa damdamin ng kaniyang asawa. Kapuwa hindi nila dapat gawin ito.
Marami ng tahanan ang nawasak at marami nang mag-asawa ang nagkahiwalay dahil sa ganitong mapapait na karanasan sa panahon ng kanilang pagsasama.
Higit pa riyan ang sasapitin ng nakikiapid. Nagbabala si Apostol Pablo tungkol sa pakikiapid:

" Maging marangal nawa sa lahat ang pag-aasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Diyos." (Heb. 13:4)

Maselan ang unang taon ng pagsasama ng mag-asawa. Sa panahong ito nakikilala nila nang lubusan ang tunay na likas na pag-uugali ng isa't isa. Sa panahon ding ito nakikita ang mga hindi inaasahang kapintasan na hindi nila nakita sa isa't isa sa panahon ng pagliligawan at pagiging magkasintahan. Kapag nakita na nila ang mga kapintasang ito, dito maaaring pumasok sa puso't isip ang pagsisisi. Ito'y mapanganib dahil maaaring humantong sa panlalamig o pagkawala ng pag-ibig at magbunga ng hindi pagkakaunawaan at sa huli'y pagkawasak









โ€œ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—ฌ๐—”โ€ Pitong letra na tunay na ka'y ganda, Kapilya ang aking sandigan sa'twing ako'y punongโ€”puno ng suliranin. Kapil...
22/09/2024

โ€œ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—ฌ๐—”โ€

Pitong letra na tunay na ka'y ganda,
Kapilya ang aking sandigan sa'twing ako'y punongโ€”puno ng suliranin.

Kapilya ang aking takbohan sa'twing 'di ko na kaya ang aking nararanasan,
Kapilya lamang ang aking kakampi sapagka't mga panata ko'y natutupad.

Sa'twing ako'y lumuluha'y walang ng huhusga,
Sa'twing ako'y may problema'y kapilya aking sumbongan,
Sa'twing 'di ko na kaya kapilya ang aking nilalapitan,
At sa'twing pagod na'ko kapilya ang nag papalakas at nag papatatag sa akin.

๐Ÿ“ธ: RC Photography And Film
20/09/2024

๐Ÿ“ธ: RC Photography And Film

Address

Taguig
1637

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sherjoy Coordinator posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Sherjoy Coordinator:

Videos

Share


Other Wedding planning in Taguig

Show All