10/04/2019
Si Polong, Veronica, B**g at ang Rural Banks
Ngayon na lumabas ang ikatlong yugto ng “The Real Narco List”, makikita na natin ang modus operandi ng sindikato. (https://www.youtube.com/channel/UCbSJdixACzjGTh34V0eUfnQ)
Code name sa ledger, deposito sa rural bank at wire transfer sa overseas accounts. Pilit na pinagdududahan kung authentic ang mga bank documents na isiniwalat sa video. May mga bloggers na itinuturo ang mga numero sa ilalim ng Account Code katulad sa kaso ni Veronica Salvador (ang combination ng pangalan ng asawa at anak ni RODRIGO DUTERTE). Sa tabi ng pangalan niya ay ang code number 001-01-11111-1-QBI. Ang sinasabi nila ay ito ang overseas account number sa Hong Kong ni Veronica Salvador. Hinimok pa ng isang blogger ang mga Hong Kong OFW followers niya na-mag deposit sa pinaghihinalaan na bangko sa Hong Kong. Ang sabi, hindi raw tama ang account at walang ganitong code sa Hong Kong. TAMA SILA! Dahil ang itinuturing code number ay hindi bank account number kundi BANK ROUTING SYMBOL TRANSIT NUMBER o BRSTN na siyang ginagamit sa mga local bank transfers. Ganito po kasi yon:
1. Ang ginagamit ng sindikato ay ang mga di-kilalang mga rural savings o thrift banks. Simple lang ang dahilan: hindi pa sila naka on-line network sa Bangko Sentral ng Pilipinas o AMLAC (Anti Money Laundering Council) kaya hindi agad na-mo-monitor ang kahina-hinalang bank transactions kahit umaabot ng bilyones. Minsan nga ay sa USB lang dinideliver ang mga financial reports sa BSP.
2. Sa ledger masisilip sa tabi ng BRSTN ang bank code ng apat na rural banks. Naka-code name pa ang depositor katulad ng Polo Delta, Alpha Tierra, Vega-Rega, Tesoro Golf at iba pa.
3. Pagsasamahin ngayon ang pera at ililipat nanaman sa ibang rural bank sa ibang location. Sa ngayon, dalawa ang nasa listahan para sa second location. Bakit kelangan ng second location? Dahil itong dalawang rural bank ay may accreditation na mag overseas bank transfer. Dito na makikita ang tunay na pangalan ng mga depositor. Sa ngayon, ayon sa video, ang nakikilalang personalidad ay sina PAULO DUTERTE, MANASES CARPIO (asawa ni SARA DUTERTE) at lawyer ELIJAH PEPITO, ang siyang law firm partner ni Maneses Carpio at ninong ni “Stonefish” Duterte-Carpio, ang apo ni RODRIGO DUTERTE. Siya rin ang hinalang “dummy” ni VERONICA SALVADOR ayon sa video. Si B**G GO ang bagong natuklasan sa mga dokumento.
4. Mapapansin ang dalawang Bank SWIFT CODE sa gawing kanan ng bank summary. Ang SWIFT (Society for Worldwide Interbank Financial Telecommunication)code ay natatanging code para makilala kung lehitimo ang isang financial institution. Madalas gamitin ito sa mga international bank transfers. Karaniwan ang SWIFT CODE ay kombinasyon ng sumusunod:
- 4 letters ng Bank code : halimbawa BOPI (Bank of the Philippine Islands)
- 2 letters ng Country code: halimbawa PH (Philippines)
- 2 letters o digits ng Location code: MM (Metro Manila)
Itatak lang sa isip na ang dalawang bangko na nag-wa-wire transfer ay mga rural banks.
Ang tanong:
Ayon sa mga dokumento, iisang probinsiya lang sa Pilipinas ang pinanggagalingan ng mga deposito. Saan kaya ito? Magugulat kayo sa sagot dahil hindi ito ang obvious choice.
Clue: Kamakailan lamang, noon March 2019 ay idineklara ng Dangerous Drugs Board of the Philippines na drug-free ang 22 towns dito.
ABANGAN...