10/02/2023
PABAYAAN N'YO SILA!
▪️Kung nagpo-post sya ng benta nya sa fb, hayaan mo sya, gusto nya mag-hanapbuhay ng marangal.
▪️Kung nagpo-post sya nang mga rants or hinanakit nya sa buhay, hayaan mo sya kesa ma-depress yan. Bakit hindi mo hayaan maglabas nang sama nang loob at least may mga makakausap sya at may matutunan din ang iba. Hindi mo alam ang pinagdadaanan nya.
▪️Kung nagpo-post sila ng masarap na food at kumakain sila hayaan mo sila maging masaya dahil busog sila, e di kumain ka din. Hindi mo alam baka un paraan nila para sumaya.
▪️Kung pala-upload sila nang picture/selfies nila hayaan mo sila kaya nga FACEBOOK NYA UN eh. HINDI nila kasalanan na ayaw mo mag-selfie. HINDI din mentally disturbed at mababaw ang mga nagse-selfie tulad ng paniniwala mo.
▪️Isa pa kung nag-uupload sila ng mga achievements nila sa buhay hayaan mo na lang. Proud lang sila sa sarili nila wag tayong mai-inggit bagkus gawin natin inspirasyon. Be happy for them walang mawawala sayo. At wag mo naman hilingin na PULUTIN SILA SA KANGKUNGAN.
▪️Kung nagsi-share sila ng words of GOD/ Bible Verses o quotes - hayaan mo sila, hindi ka pinatatamaan, instead they want to encourage and lift you up. And it does not mean na pa-Holy, religious o poetic. Tandaan ang DIYOS lang ang nakakaalam kung anong laman ng puso at isipan mo.
I-share mo na lang din para happy.
▪️At kung nakaka-bili sila ng mga bagay na di mo nabibili pabayaan mo sila pinaghirapan nila yun kaya gusto nila ipagmalaki bagkus gawin mo ulit inspirasyon na kung nabili nila bakit di mo kayang bilhin. At kung kaya mo naman bilhin pero ayaw mo lang, still pabayaan mo na lang sila sa kaligayahan nila.
▪️At kung nakaka-travel sila pabayaan mo baka gusto lang nilang mag unwind para kahit papano mabawasan mga hinanakit nila sa buhay. Makapag-liwaliw pang-tanggal stress and to create happy memories with their family or friends.
▪️At kung nagpo-post sila ng pictures ng happy family , happy couples at happy relationships, pabayaan mo siya dahil pinaghirapan nila to achieve those happiness. Di mo alam pinagdaanan nila sa likod ng bawat happy picture they post. Mga iniyak nila sa bawat ngiti at halakhak.
✔️Minsan, wag tayong masyadong pakialamero, apektado o judgmental sa posts ng iba at sa buhay nang ibang tao, para di tayo mag mukhang bitter at inggitera. As long as di ka nila natatapakan o sinasaktan, let them be. Hindi lahat kelangan naa-ayon sa gusto mo.
✔️At pinaka-importante - HINDI mo yan account , account nila yan.DIYOS ang huhusga sating lahat.
✔️Lastly, i-apply mo rin sa buhay mo, wag lang sa FB.
PEACE BE WITH YOU!
-ctto