
16/08/2025
Congratulations to the grandson of Chateau Leonor Resort's owner! We are so proud of you, Sir Josh Cobler!!!
CAGAYANO PRIDE!
ISANG TUBONG TUGUEGARAO, NAGTAPOS BILANG MAGNA CUM LAUDE NG LAW DEGREE SA UNIVERSITY OF OXFORD
Isang malaking tagumpay ang naabot ng isang Tuguegaraoeño nang magtapos bilang magna cm laude sa law degree sa University of Oxford nitong taon.
Ayon sa salaysay ni Joshua Robert Pastores Cobler, 27-anyos, na anak nina Keith Cobler at Boots Pastores Cobler, nagsimula ang kanyang interes sa pag-aaral sa mga batas dahil nais nitong makatulong sa Pilipinas lalo na sa pagpapanatili ng kalayaan at paggawa ng patas na mga kasunduan sa kalakalan.
Nagtapos siya ng Social and Cultural Anthropology sa Stanford University sa US kung saan naging aktibo siya sa Pilipino American Student Union.
Aniya, sa organisasyong ito, tumulong siya sa mga programa na nakatuon para sa mga Pilipinong beterano at mga nasalanta ng bagyo at naging co-chair din siya ng grupo sa kanyang huling taon.
Noong 2020, kumuha siya ng Master of Philosophy in Politics sa Oxford at naging presidente siya ng Oxford Philippines Society.
Taong 2022 naman nang magsimula siyang mag-aral ng law degree sa Oxford at nagtapos ito ngayong taon bilang magna cm laude.
Sa ngayon, plano nitong manatili sa UK para magtrabaho bilang solicitor. Inihayag din niya ang kanyang interest na tumulong sa pagpapatupad ng patas na sistema sa international law at kalakalan na magbibigay proteksyon sa mga bansang tulad ng Pilipinas. (Jovy Andres)