
06/02/2025
Paalala sa mga OFW sa Switzerland at Schengen Area:
Nagpapatupad ng pansamantalang border controls ang ilang bansa sa Schengen Area dahil sa banta sa seguridad. Mahigpit na inspeksyon ang isasagawa sa mga tren, checkpoint, at gamit ang teknolohiyang pang-seguridad tulad ng facial recognition. Ang mga bansa sa paligid ng Switzerland ay kasali rin sa pagpapatupad ng mga hakbang na ito. Narito ang iskedyul ng mga apektadong bansa:
Austria: Oktubre 16, 2024 - Abril 15, 2025
France: Nobyembre 1, 2024 - Abril 30, 2025
Germany: Nobyembre 12, 2024 - Marso 15, 2025
Italy: Hunyo 19, 2024 - Disyembre 18, 2025
Importanteng Paalala:
Siguraduhing dala lagi ang valid passport, visa, o residence permit upang maiwasan ang abala. Mahigpit na inspeksyon ang ipatutupad sa mga border na malapit sa Switzerland.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers, Migrant Workers Offices sa Europa, o sa pinakamalapit na Embahada or Konsulado.