01/09/2023
ABANGAN ANG FRESH PASABOG NI SARAH G LIVE NA LIVE SA 'ASAP NATIN 'TO'
Tuloy-tuloy pa rin ang bigating pagsalubong sa 2023, tampok ang bigating performances mula sa paborito ninyong Kapamilya stars live na live ngayong Linggo (Enero 8) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Fresh na fresh ang hatid na pasabog ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa ASAP stage para sa bagong edisyon ng "Sarah G Specials," habang hindi pahuhuli ang total performances nina Sheena, Krystal Brimner, at ASAP Queen of the Dancefloor na si Kim Chiu.
Maki-party sa latest hits kantahan at sayawan nina Jason Dy, Nyoy Volante, Karina Bautista, at ng buong ASAP family kasama si Robi Domingo. Samantala, damang-dama ang "Chicken Nugget" craze sa cute surprise ng mga anak ni Momshie Melai Cantiveros na sina Mela at Stela.
Itotodo naman ng dance hotties na sina Chie Filomeno, Jameson Blake, at Enchong Dee ang kanilang paghataw sa ASAP stage, habang may fresh acoustic treat din sina Kice at Anji Salvacion.
Bigay-todo rin ang biritan nina Regine at Zsa Zsa kasama sina Alexa Ilacad, Vivoree, at Maris Racal.
At pakatutukan ang ilan pang bigating kantahan sa ASAP stage, tulad ng ballad tapatan nina JM Yosures, Reiven Umali, Bryan Chong, Lucas Garcia, Enzo Almario, at Angeline Quinto; at ang musical pasabog ni Concert King Martin kasabay ang divas na sina Klarisse de Guzman, Nina, at Laine.
At sama-sama ang paborito ninyong ASAP icons na sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Erik Santos, Angeline Quinto, at Regine Velasquez kasabay sina Klarisse de Guzman, Elha Nympha, Khimo Gumatay, Reiven Umali, JM Yosures, Sheena Belarmino, at Darren para maghandog ng mega birthday tribute para sa nag-iisang Megastar Sharon Cuneta sa "The Greatest Showdown."
Lahat ng ito, live na live ninyong mapapanood mula sa longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.