02/05/2023
Sa mga nag nanais mag tourist sa Malaysia specially sa mga SOLO travelers- here are the Tips para iwas Offload at abala narin.. Madalas kasi ma offload ang Solo travelers maiinit sila sa Mata ng Immigration. Mas maigi na ang may alam.
📌 Passport- Pinaka una sa lahat, dapat ang validity ng passport mo ay 6 months pataas, hindi 6 months beyond other wise Offload ka.
📌 Plane Ticket- Ihanda ang plane ticket, plane ticket dapat may returning flight dahil hindi ka i allow ng IO na makalabas ng bansa kung wala kang returning flight
📌 Hotel Booking- Madalas hanapin to ng Immigration para malaman nila kung san ka titira during your stay.
📌 Who booked your ticket?- ito ang laging tanong, mas maigi ikaw magbook ng sarili mong ticket para isipin ng IO na may kakayahan kang supportahan ang travel mo.
📌COE/Payslip/ Company ID- ito ang pina ka crucial sa lahat, dahil ito ang laging tinatanong kung may work kaba sa Pinas, para di isipin ng IO na ikay hahanap ng Work sa bansang Pupuntahan at may babalikan kang Work sa Pinas, be ready dahil ito ang primary na hihingiin ng IO, kahit isa lang sa mga yan pakita mo, good to go na.
📌Pano naman kung may Business? pakita mo lang ung DTI permit mo or any proof na may pinagkakitaan ka. Kung Online Business naman pakita mo lang mga picture paninda mo online or any transactions na mag papatunay na may negosyo ka.
📌Pano kung ininvite? make sure na Invitation letter ka na papakita galing sa taong nasa bansang pupuntahan mo, i ready din ang mga information ng tao na un, dahil itatanong sayo un, like, kaano ano mo sya, ano work nya lahat ng possible information about sa nag invite sayo dapat alam mo
📌 Iterinary- Optional naman to, pero minsan natatanong din, incase na itanong atleast may papakita ka, isaulo ang pagkasunod sunod ng iterinary mo
📌 Funds- Optional din to, minsan di naman tinatanong pero mas maigi na ihanda narin, maari kang mag pakita ng bank acct, credit/ debit or any form ng funds.
Mahalagang Paalala
✅Kung ang intensyon maliban sa pag totourist ay mag hanap ng work, never ever disclose that information sa Immigration, keep it to yourself hangat makalabas ka ng bansa.
✅ Wag mag book ng plane ticket morethan 1 week, dahil ma ququestion ka sa haba ng stay mo sa bansang pupuntahan mo, kung plano mo mag stay ng matagal pa book ka ng ticket na pwede ma rebook dahil pwede ka naman mag rebook ng returning flight mo.
✅ Upon arrival bibigyan ka ng 30Days to stay sa malaysia regadless kung 5 days man sinabi mo sa immigration, matic may 30 days ka para mag stay.
Stay Safe📌